in

Cagliari, 2 Pinoy nasagasaan habang tumatawid sa Pedestrian Lanes

Dalawang Pilipino ang nasagasaan sa Cagliari habang tumatawid sa pedestrian lanes kamakailan.
Ukol dito ay patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa nangyaring insidente ng pagkakasagasa sa dalawang Pilipino sa Cagliari kahapon, ika-7 ng oktubre 2018.
Batay sa unang ulat, tumatawid ang dalawang Pinoy sa tamang tawiran ng sila ay masagasaan ng isang matandang 70 anyos na hindi residente ng nasabing lugar.
Ang nasabing driver ng Renault Clio ay binabaybay ang Via Roma patungo sa Viale Diaz ng masentro nito ang mga Pilipino, isang lalake at isang babae, na kasalukuyang tumatawid ng kalsada.
Ang babae na 34 anyos ang nagtamo ng matinding sugat at pinsala sa katawan at agad na isinugod ng ambulansya na may codice rosso sa Pronto Soccorso ng Brotzu hospital. Malubha ang kalagayan nito samantalang ang kanyang kasama ay may mga galos at kaunting sugat lamang sa katawan. Ang mga pulis sa Cagliari ay patuloy na nagiimbestiga at nagtatanong sa mga nakasaksi upang mas mabigyang linaw  ang pangyayari sa nasabing sakuna.
Quintin Kentz Cavite Jr.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Disability Pension, para rin sa mga dayuhang mayroong permit to stay

Mindoreñans Volleyball League: Hatid ay saya at pagkakaisa