in

Cagliari Movement for Hope, itinatag

Pangunahing layunin ng organisasyon ang maging suporta ng ating kasalukuyang Pangulong Duterte at ng kanyang administrasyon tungo sa pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.  

 

Cagliari – Opisyal na itinatag noong nakaraang Agosto ang Cagliari Movement for Hope (o ang DDS Cagliari). 

Pangunahing layunin ng katatatag lamang na organisasyon ay ang maging suporta ng ating kasalukuyang Pangulong Duterte at ng kanyang administrasyon tungo sa pagbabago at kaunlaran ng ating bansa.  

Partikular ang maging bibig upang maiparating ang magagandang adhikain ng ating pangulo para sa lahat ng mga Pilipino at ating bansang Pilipinas; ang maging mata upang maipakita ng tama sa kapwa ang malasakit ng administrasyong Duterte sa kahit anong antas ng tao, mayaman man o mahirap ay magiging pantay pantay pagdating sa batas; at ang maging paa at kamay upang maging tagapagtanggol ng administrasyon laban sa maling balita at akusasyon kasabay ng mga angkop na pagkilos para maipakita ang kanyang adhikain sa kasalukuyan at mga paghahanda para sa darating pang bagong henerasyon.  

Inaasahan din na ang organisasyong nabanggit ay magiging sentro ng mga Overseas Filipinos (Ofs) sa Cagliari para sa koordinasyon, suporta, pag-unlad at pagkakaisa na ang tanging layunin ay maging bahagi ng pag-unlad, pakikipag-kaibigan, at pangangalaga sa welfare hindi lamang sa mga miyembro nito kundi pati na rin sa pamayanang Pilipino na nagpapatunay ng kanilang suporta at positibong kapaligiran para sa pagpasok sa lipunan, sibiko at pang-ekonomiya upang makabuo ng kumpiyansa at personal na paglago.  

Isa sa mga nais isakatuparang proyekto ng grupo ay may adhikaing makapag-pasaya sa kapwa Ofs, tulad ng mga tagisan ng talento sa pag-awit at pagsasayaw sa pamamagitan ng mga cultural events. Layunin rin nitong mailayo ang mga Pilipino sa bisyo at ipinagbabawal na gamot lalo na ang mga kabataan. 

Kabilang din ang pakikipag-dialogue sa mga kinauukulang tanggapan upang maiparating ang hinaing ng bawat Pilipino sa Cagliari at kahit saan mang lugar na kailangang tulungan. 

Bahagi rin ang pagtulong sa mga kasapi ng samahan sa kanilang mahigpit na pangangailangan tulad ng pagbibigay abuloy sa pumanaw na mahal sa buhay.

Ang mga Founding Members at Elected Officers ng Cagliari Movement for Hope

Edwin Mendoza -Presidente

Cosme Mendoza – Vice President/Internal

Gerry Bahillo –  Vice President/External

Renee Mendoza – Secretary General 

Reynante Ronquillo – Deputy Secretary

Richard Puyo – Treasurer

Anacleto Hernandez – Asst. Treasurer

Jason Escalona – Auditor

Arnel Magmanlac – P.R.O. 

Mario Paraon – Liaison Officer

 

Sergeant at Arms 

Jao Borillo

Rolly Marquines

Romel Mendoza

Derick Magmanlac

 

Board of Directors

Celedon Cabrera

Angel Escalona

Arman Manongson

German Hernandez

Jhon Eric Magmanlac

 

Group Advisers

Dhan Talento 

Gabby Manibo

Sammy Mendoza

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Daan pauwi: Tadhana o Kapabayaan?

October 10, due date ng kontribusyon sa Inps