in

Camille Ann Cabaltera, ang Talentadong Pinoy sa Firenze

Labindalawang taong gulang ang nanalo sa pitong lumahok sa ‘Talentadong Pinoy’ sa Firenze.

altFirenze, Mayo 22, 2012 – Pinatunayang muli ng 12 taon gulang na si Camille Ann Cabaltera ng Monte Catini Terme ang kanyang galing sa larangan ng pag-awit. Siya ang tinaguriang  ‘Talentadong Pinoy’ sa Italya. Kasama nito ay nakamit ni Camille ang one year subscription mula sa OSN – GMA 7 at TV 5 at halagang 300 eurocash bilang premyo.

Sa edad na 4 nagsimulang umawit si Camille ng mga awitin nila Lani Misalucha, Celine Dion, Mariah Carrey at Katty Perry.  Limang taon siya ng maging guest sa birthday party ni Lulu Fernando na inorganisa ni Mr. Butch Francisco owner at president ng Center for Pop Phils.  “Hear Camille while still free because the next time, you have to pay to see her perform,”  ayon kay Mr. Butch Francisco.  Nakamit niya ang ikatlong pwesto sa “Battle of the Champion” noong 2010 sa edad na 10,  kung saan nakalaban niya ang 15 Pinoy Singing Champions sa Italya.  Iniuwi rin nya ang titolo sa Italian singing contest na nilahukan sa kabila ng nag-iisang dayuhang contestant sa “2010  Vivere IL Rossi” na ginanap sa Campi Bisenzio. Tinanghal din syang grand winner ng “Tuklas Film Production Search for Singing Star” sa Firenze.  At ngayong taon siya ay nag perform sa TVL Pistioa TV “PROVA a PROVARE” at isa siya sa mga participants ngayon summer sa “UNA CANZIONE Per Te” sa Sky Channel. 

altAng  “Talentadong Pinoy Firenze” ay mula sa “Socio-Culturale e Sport di Firenze” na pinangungunahan ni Pres. Pablo Alvares. Ginanap sa Palestra Paolo Valenti, Firenze noong Abril 22, 2012.  Pito ang naging kalahok sa singing: sina Gener David-Bologna, Marcial Corpuz-Prato, Sonny Mermida-Prato, Louie Chico-Bologna, Camille Ann Cabaltera-Monte Catini Terme at Megan Mamplata-Pisa at sa dancing ang Twist Girls-Prato at Mother’s and Kids-Firenze.  Nanalo sa Best in Costume ang Mothers and Kids, 4th placer at Best Performer ang Twist Girl, 3rd placer at Best in Audience impact si Sonny Mermida at 2nd placer si Megan Mamplata

Mahuhusay ang naging mga judges na nina Emy Salvador ng GMA Channel Italy, Pres. Remely Abrigo ng FNAT, Mgr. Leo Pinon ng RCBC, Dance Instructor David Malibiran, George Michael Dimalibot at Judges watcher Danny Atienza. 

altNaging matagumpay ang pagtatanghal sa tulong ng mga sponsors mula sa GMA Channel, Rosie Guevarra, RCBC Firenze, Nida’s Catering, Herbs Life, Mr. and Mrs. Gil Velasquez, Ms. Ruby Ablog, Mr. FRMG Oscar Lopez, Century Properties, Mrs. Mirasol Cagatera at Neos Finance.    

Ang pagkakaisa nating mga Pinoy sa Italya ang aking inspirasyon upang lalo kong pagbutihin ang makapag-bigay saya at hikayatin ang mga kabataan sa maganda at kapakipakinabang na landas,  nagpapasalamat ako sa lahat ng participants at sa mga sumuporta, sa aking mga hosts Alvin Umahon, Jerry Caldo, Nalla Valeria Reano at Director Willy Punzalan. Ito ay tagumpay natin lahat”,  ayon kay Pres. Pablo Alvarez. (ni: Argie Gabay)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fans ni Jessica, humihingi ng suporta

Maaari ba ang conversion ng Philippine driver’s license sa Italian driver’s license?