in

Camille Cabaltera, isa sa napiling singer sa Disney movie “Raya e l’ultimo Drago”

Camille Cabaltera “Raya e l’ultimo Drago” Ako Ay Pilipino

Sa tamang panahon: mga katagang malimit marinig pag ang pinag-uusapan ay ang destino ng bawat isa. Walang instant sa mundong ito, lahat ay gradual, lahat ay pinag-aaralan, lahay ay pinaghahandaan. Lahat ay kailangang hinog sa panahon at isa sa mga temang pasok sa ganitong usapin ay ang ating mga pangarap. 

Camille Cabaltera, pangalang kilala na ng karamihan sa  nasa bansang Italya. Lumabas sa italian  tv noong siya 13 years old  sa “Ti lascio una canzone”. Lalong nakilala nang magtagumpay sa X-factor 11 at umabot sa 4th live noong 2017.  Inilabas din ng Sony ang kanyang single na “worth it”. Sinundan ito ng “Everytime you’re here” taong 2018, at “Un bacio per natale (Distant Christmas) noong nakaraang taon.

Sa pakikipanayam kay Camille ay binanggit nya na balik sa normal life na siya matapos ang kanyang paglalakbay sa X-factor  Italy. Ang totoo ay hindi na babalik sa pagiging “normal” ang kanyang buhay dahil sa patuloy na pag-angat ng kanyang career bilang singer at songwriter. Ang pinakabagong sorpresa ay ang pagkakapili sa kanya bilang performer ng end credits song ng bagong pelikula ng Disney.  Hango sa orihinal na titolong ingles, sa Italya ay pinamagatan itong “Raya e l’Ultimo Drago”.

Ayon kay Camille, hindi umano niya inaasahan ang blessing na ito. Nakatanggap siya ng mensahe mula sa kumpanya via e-mail. Sa una ay nagtaka siya pati na rin ang kanyang mga kasamahan. Magkahalong sorpresa at kaba ang kanyang naramdaman. Sa kanyang pag-aakala ay maaring may nagawa siyang hindi maganda kung kaya’t sinulatan siya ng management. “Yon po pala ay gusto nilang i-offer sa akin ang song for the end title”  ng disney movie, pahayag ni Camille. Maliban sa pagkanta sa end credits ay nagkaron din siya ng cameo role na lalong nagbigay sa kanya ng excitement.

Camille Cabaltera “Raya e l’ultimo Drago” Ako Ay Pilipino

Ang bagong pelikulang ito ay may partikular na kulay ng mga bansa sa southeast asia. Kapansin-pansin ang pagpapakilala sa iba’t-ibang kultura ng bansa ng Thailand, Vietnam, Cambodia, Laos, Malaysia, Myanman, at ng Pilipinas. Sa ilang bahagi ng pelikula ay mapapansin ang paggamit ng arnis. Ang kuwento ay umiikot sa buhay ni Raya, ang tagapangalaga ng hiyas ng dragon. Ang kanyang misyon ay maibalik ang kapayapaan. Kinakailangan niyang maglakbay upang hanapin ang huling dragon na magiging kasangga  upang makamit ang kapayapaang inaasam sa mundo ng Kumandra.

Ang pelikulang produkto ng maylikha ng Oceania at Frozen ay ipapalabas sa mga sinehan  sa buwan ng marso ngayong taon. (Quintin Kentz Cavite Jr. – mga larawan mula kay Camille Cabaltera)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 1]

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon, pinalawig hanggang March 27, 2021

ISEE Ako Ay Pilipino

ISEE, bakit mahalaga at paano magkaroon nito?