Kabilang ang ipinagmamalaki ng Filipino Comunity sa Italya na si Camille Cabaltera sa tatlong nanalo sa unang semifinals ng Emerging artists category sa “Una voce per San Marino“. Ito ay ang talent show na inorganisa ng San Marino RTV, Segreteria Turismo at Media Evolution para makapili ng kinatawan ng Eurovision.
Until they say goodbye! Ito ang kantang nagpanalo sa Italo-Pinay. Katulad ng mga Italians na sina Elena at Francesco Faggi at ngLondoner na si Aaron Sibley, ay nakapasok si Camille sa finals na ipapalabas sa RTV sa February 18.
Ang 9 na young talents ang maglalaban-laban sa finals kung saan makakaharap ang 10 bigs tulad nina Valerio Scanu, Ivana Spagna at ang paboritong si Achille Lauro.
Ang papalaring magwawagi ay ang aakyat sa entablado ng Eurovision Song Contest 2022 na naka-shedule sa May 10, 12 at 14 sa Pala Olimpico sa Turin. (PGA)