Isang Pilipina ang Campionessa Nazionale della Confsport Italia. Siya si Vera An Garo, ipinanganak sa Roma Italya, 18 taong gulang at kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng Liceo Classico sa Liceo Seneca sa Roma. Nag-iisang anak nina Yolanda Mariano at Severo Garo Jr., parehong tubong Ilocos.
Sa kagustuhan ng sariling ina, sa edad na 6 na taong gulang, si Vera ay nagsimulang mag-aral ng gymnastics o ginnastica ritmica. Sa paglipas ng panahon, dahil na rin sa angking talento, ay mabilis namang natutunan at nakahiligan ng tuluyan ng bata ang napiling sport ng ina.
“Mi sono innamorata pazzamente di questo sport e non l’ho piu’ lasciato”, masayang kwento ng dalaga sa akoaypilipino.eu.
Sa katunayan, matapos lamang ang isang taong pag-aaral at pagsasanay ay sumalang na si Vera sa mga kumpetisyon, individual at group competiton. Mabilis na natagpuan ng mga instructor ni Vera ang kanyang technical capacities bilang gymnast kung kaya’t mabilis namang hinakot ni Vera ang mga medalya taun-taon, simula sa Regional hanggang sa International competition.
Sa ika-11 taon sa larangang ito, nakasalang na rin ni Vera sa VII° Torneo Internazionale d’Italia noong nakaraang Hunyo at nakalaban sa individual competion ang mga bansang Poland, Belgium at iba pa. Bagaman isang Pilipina, dala ng dalaga ang bandera ng bansang Italya at tass noo namang nakamit ni Vera ang second place.
“Quando chiamano l’Italia ed esce una Filippina è molto emozionante. Essendo l’unica straniera nella gara oltre a rappresentare il mio secondo paese, mi da orgoglio ogni volta che gareggio. Viene riconosciuta la mia diversità positivamente e questo da anche merito al mio paese”, ayon pa sa dalaga.
Tulad ng ibang sport, hindi naging madali para kay Vera ang pagpapatuloy sa nasabing sport. Maraming sakripisyo ang ginawa ng dalaga gayun din ang kanyang mga magulang dahil may kamahalan ang nasabing sport.
“Wala kaming sasakyan kaya nakikisakay lamang kami pag may competition si Vera. Pero pag nananalo sya at nakukuha ang first place sa individual competition, ayaw na kaming i-angkas ng mga kasama nya”, ang kwento ni Mamma Yoly.
Halos naging limitado ang kanyang buhay bilang teenager, sa pagitan ng eskwelahan at gym lamang, halos hindi makalabas kasama ang mga kaibigan, isang bagay na ikinalungkot ni Vera bilang bahagi ng kanyang pagdadalaga. Dahil dito, ay huminto ng isang taon sa minahal na sport. Subalit matapos maramdaman ni Vera ang kakulangan nito sa kanyang buhay, ay hindi nag-atubili sa pagbabalik-ensayo.
Maayos na organisasyon ang naging susi ng dalaga upang hindi maapektuhan ang pag-aaral, maranasan ang buhay teenager at mapagbuti pa ang pagiging gymnast.
“Mi alleno tre volte a settimana per due ore e mezzo. Non è semplice trovare il tempo per poter fare tutto ciò che vogliamo ma io accolgo questa occasione per arrivare al mio sogno”.
Sa murang edad ay dalawang taon na ring nagtuturo sa isang grupo ng mga beginners sa gymnastics si Vera, may edad na 4 hanggang 8 taong gulang sa Società di ASD Wibe.
Bukod dito, ay bahagi na rin ang Pinay title holder ng mga Second Level Regional Judges o Giudice Regionale di Secondo livello, kung saan sumailalim kamakailan sa kurso at mga required exams nito.
“La passione mi spinge a migliorare e questo è il mio messaggio ai giovani di oggi”, pagtatapos pa ng dalaga.