in

Canonization ni Beato Pedro Calungsod dinayo ng mga Pinoy sa Tuscany

Isang pilgrimage ang inorganisa ng Filipino Catholic Community ng San Barnaba Church sa Firenze para sa canonization ng mahal na Beato Pedro Calungsod.  

Florence, Oktubre 26, 2012 – Pinangunahan nila Don Giani Guida, Father Reynold G. Corcino, Sister Erlita Bautro at FCCF Temporalities Coordinator Ayhe Aquino Rivera ang nasabing pilgrimage.

Anim na bus na kinabibilangan ng mga katolikong mananampalataya ng Tuscany ang tumulak pa Roma ng alas tres ng madaling araw upang saksihan at makibahagi sa isang napakahalagang pagtitipon o pagdiriwang sa kasaysayan ng sambayanang Pilipino.  Kahit halos walang tulog ay madadama mo ang kasiyahan sa bawat isa na makikibahagi ng personal sa Vatican sa canonization ng ikalawang Santong Pilipino na si Beato Pedro Calungsod.

Dumating ang grupo ng alas sais ng umaga ngunit napakahaba na ng pila at napakarami ng tao na mula sa ibat ibang bansa nguni’t iyong mapapansin mas marami ang mga grupo ng Pilipino ng nagwawagaygay ng ating bandila.  “Napakaligaya ko sa araw na ito dahil sa dami ng mga Pilipinong gustong makibahagi sa pagdiriwang na ito ay isa ako sa personal na nakarating upang masaksihan ang pagtatalaga ng ikalawang Santong Pilipino ayon kay Danny Gonzales”. 

Kasama ni Beato Pedro Calungsod ang anim pang Beato na sina Giacomo Berthieu, Giovanni Battista Piamarta, Maria del Monte Carmelo, Maria Anna Cope, Caterina Tekakwitha at Anna Schaffer na inideklarang mga Santo.  Isa isang binasa ni Pope Benedict XVI ang mga naging buhay kabanalan ng mga Beato, pagkatapos ay ang pagtatalaga sa kanila bilang mga Santo.  Napaka solemn ng naging misa na umabot halos ng tatlong oras, kahit siksikan sa dami ng tao makikita mo ang kaligayahan at pag asa sa bawat isa. 

“Nagpapasalamat ang pamunuan ng FCCF  sa naging maayos na paglalakbay o pilgrimage sa Roma, napanatili ang kaayusan at disiplina ng bawat isa at maluwalhating nakabalik ng Firenze ang mga pilgrims, isa puso at isabuhay po natin ang ating naging karanasan masayang pahayag ni coordinator Ayhe Aquino Rivera”. 

Mabuhay ang ating bagong Santo, SAN PEDRO CALUNGSOD, Mabuhay ang Lahing Pilipino. (ni:  ARGIE GABAY)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Top Earning Dead Celebrities

Eidul Adha, ipinagdiriwang sa buong mundo