Ito ang kanyang moto bilang Videographer, "Pwedeng ulit-uliting panoorin ang mga masasayang kaganapan sa buhay mo".
Milan, Mayo 10, 2013 – Si Gilmar Taebas, tubong Vigan, Ilocos Sur, mahigit isang dekada nang nakatalaga dito sa Milan, kasama ang kayang asawa, si Erlyn at nag iisang anak na lalake na si Fitzgierald.
Noong taon 2000, si Gilmar ay nag-umpisa bilang trabahador sa isang Italian catering service at nanilbihan din siya bilang isang part-time domestic helper sa isang Italian family.
Maliban sa pagiging helper, ay mayroong tinatawag na “extra” kung tawagin nating mga Pilipino dito.
Ayon din sa kanya, sumasama-sama siya sa isang grupo (Musical Band) dito sa Milano bilang isang drummer, subalit di nagtagal ay nagkawatak watak ang nasabing grupo. Kung kaya’t nag pasiya siyang magtayo ng isang video production kasama ang isa sa kanyang ka grupo at tinuturing din niyang malapit na kaibigan.
Taong 2000, nauso na ang pagpapaganap ng malalaking okasyon sa mga locale o tinatawag na multipurpose hall.
Karamihan sa kanyang mga naging kaibigan noong siya’y nasa kolehiyo pa ay mga kumukuha ng Mass Communication, samantalang siya ay isang Psychology student noong taon 1997. Doon siya unang nagka-interes sa Videography.
Dito sa Milan,ang unang naging project nila ay isang magarbong kasalan na walang bayad sa video coverage sa kadahilanang isa lamang ito umanong experiment. Maayos naman ang naging resulta at nagustuhan ang kanilang unang kliente ang finished product ng wedding video coverage, doon nag simula ang tinatawag na “passa parola”, kaya’t ito na ang hudyat na gawin nilang extra bilang dagdag na pagkakakitahan, ang Video Coverages.
Mabilis kumalat ang pangalang Gilmar Taebas sa apat na sulok ng Milan sa kanyang pagiging magaling na Pinoy Videographer.
Subalit di nagtagal ay nagsolo na lang ito sa kanilang tinatag na production, sa kadahilanang nag-concentrate ang kanyang partner sa regular niyang trabaho.
Mula noon, namuhunan si Gilmar ng mga iba pang mga kagamitan sa kanyang pag vivideo sa pamamagitan ng paghanap pa ng mga karagdangang regular na trabaho ng sa ganun mabili niya ang mga importanteng aparato na kakailanganin nito habang ang kanyang mga kaibigan at mga naging kliyente ay siya pa rin ang kanilang nirerekumenda na kumuha ng video na kahit sa anong klaseng mga events.
At maliban sa mga kliente niyang mga Pilipino, may mga ibang lahi tulad ng Italiano, South American, Ecuadorian at iba pa.
Maging ang mga naging kliente nito ay nagmumula sa iba’t ibang rehiyon dito sa Italia at karating bansa.
Ikinatutuwa din niya sa kanyang pahayag sa “AKO AY PILIPINO” na kabilang din siya sa mga official videographer ng mga kilalang fashion designer outfit ang “Milan Fashion Week”, mga malalaking drug companies at mga restaurant at iba pang mga negosyo dito sa Milan.
Simple at pagiging humble sa trabaho at hindi lang tinuturing kliente ang tingin niya sa mga ito kundi ang pakikipagkaibigan ayon pa sa batikang Videographer.
Dagdag pa niya, “ alam kong mga mamahalin ang mga gadgets para sa isang video production pero ang sustento sa pamilya ko ay hindi ko nakakalimutan, dahil obligasyon ko ito bilang asawa at ama ng aming anak”.
Hindi umaabot sa isang buwan para matapos ang isang project nito ay kanyang ibinibigay na ang finished product sa kliyente, sa dami ng kanyang tanggap bawat buwan na ayon pa sa kanya, nitong taon ay halos doble na.
Sa pagiging matagumpay niya bilang isang videographer dito sa Milan, ayon kay Gilmar, hindi niya makakalimutan ang kanyang mga nakaraang kliente sa kahit napaka simpleng video camera ang kanyang nagamit ay wala siyang natatanggap na reklamo buhat sa kanila at sila pa ang nagdala sa kanya sa pagiging top rated pinoy videographer dito sa Milan at sa iba pang mga karatig lugar.
Ang pagiging isang videographer ayon kay Gilmar ay dapat kang punctual, matapat, creative, alerto at bukas sa anumang suhestiyon ng isang kliente ng sa ganun sila’y masiyahan, huwag kalimutan magbasa ng mga articles tungkol sa Videography at higit sa lahat magpasalamat sa Diyos, dagdag pa niya.
Anya, “kailangan makuha mo ang karisma ng main subject and the other people involve para maganda ang flow ng trabaho”
Isa pa sa mga plano niya ay magsagawa ng isang Videography Workshop Seminar sa darating na mga araw at ito ay gaganapin sa bagong studio ng United Pinoygraphers Club dito sa Milan.
Nawa’y pagpalain ka at dumami pa ang mga taong mapaglilingkuran mo. Mabuhay ka! (Ulat ni: Chet de Castro Valencia)