in

Cardinal Quevedo, nagmisa sa Filipino community

Roma, Pebrero 28, 2014 – Alas tres y’ medya ng hapon ng ginanap ang Thanksgiving Mass Celebration ng ating newly elected Cardinal His Eminence Orlando Quevedo, OMI. sa Basilica ng Sta. Maria Maggiore. Pinangunahan ito ng Sentro Pilipino Chaplaincy ng Roma sa pamumuno ni Rev. Fr. Ricky Gente, CS., ng  Collegio Filipino Rev. Fr. Greg Gaston at ni HE Ambassadress Mercedes Tuason of the Philippine Embassy to the Holy See. Nakiisa din ang Bishop ng Novaliches Most Rev. Fr. Antonio Tobias D.D. at Auxiliary Bishop of Cotabato Monsignore Jose Bagaforo at ng halos lahat ng kaparian sa Roma at ilang lugar ng Italya. Naroon din si Congresswoman Imee Marcos.  Napuno ang Basilika ng mga migranteng Pinoy at iba’t-ibang Religious Organizations na nagmula pa sa iba’t-ibang lugar ng Italya at maging ng buong mundo na nais makiisa sa nasabing importanteng okasyon sa buhay ng Cardinal at ng sambayanang Pilipinas.

Isa si Quevedo sa 19 na Cardinal na hinirang ng Papa at pormal na iniluklok sa hanay ng iba pang Cardinals noong sabado, February 22, 2014.

Siya ang kauna-unahang Cardinal na nagmula sa bayan ng Mindanao. “Can you see me?”  Ang pabirong panimula ng Cardinal sa kanyang homiliya. Ito ay dahil sa kanyang hindi kaatasang height kung kaya’t napangiti ang lahat ng naroon. Maraming aral siyang ibinahagi sa mga tao at ang kanyang taglay na pagkamakumbaba at mapagmahal sa mga mahihirap ay nangibabaw. Binanggit din niya ang pagmamahal sa kalikasan. gayundin, ang pag-aasam ng kapayapaan lalo’t higit sa pagitan ng ating mga kababayang Muslim at Kristyano sa Mindanao.

Idiniin din niya ang kabanalan na sana ay taglayin ng bawat isa. Na ito ay hindi lamang batay sa iba’t-ibang paraan ng pagdarasal o debosyon kundi ito ay dapat makita sa gawa at kaisipan.

Every day I pray to be a Holy Priest. Now, I will pray to be a Holy Cardinal. A wise, humble, generous and zeal Cardinal.

The Eucharistic Celebration is Cardinal Quevedo’s way of thanking each and everyone who are there present and to those who are with him by heart in this very moment of his life. He emphasized that there is no greater way of extending gratitude than celebrating the Holy Mass with Christ as the center of the celebration in communion with our brothers and sisters.

Pagkatapos ng Banal na Misa ay nagtungo ang lahat sa Sta. Pudenziana kung saan ay naroon ang Opisina ng Sentro Pilipino at nagkaroon ng kaunting salo-salo sa pagtutulungan ng lahat ng komunidad ng Pilipino sa Roma.

Bilang isang sambayanan na nagpupuri sa Panginoon, naging isang tagumpay ang maghapon na iyon at ang lahat ay nakaisa ni Cardinal Orlando Quevedo sa mahalaga at mabiyayang bahagi ng kanyang buhay. He may not be that tall but his mind and heart is full and wide enough to spread the blessings of God to the lives of many. (Lorna Tolentino)

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Cardinal TAGLE, nagmisa sa Duomo di Milano

Gabay mula sa Ministry of Education – Linee guida per accoglienza e integrazione