Rome, Nov 25, 2012 – Ang pagtatalaga ng anim na bagong non-European cardinals ay naganap noong nakaraang Sabado sa St. Peter’s Basilica.
Kapansin-pansin ang pagluha ng bagong kardinal na Pilipino, Luis Antonio Tagle, na sa pagkakaluhod sa harapan ng Papa ay hindi napigilan ang emosyon at pumatak ang luha matapos matanggap ang kanyang singsing at pulang biretta, bilang ikalawang pinakabatang kardinal. Si Pope Benedict XVI, bilang ama ng simbahang katoliko ay niyapos ang bagong kardinal.
"I cry easily. I guess when you're before a great mystery that you know is beyond you — a calling, a grace, a mission — then you tremble and at the same time you're happy,", ang naging sagot sa video-interview ng RomeReports.com ukol sa di napigilang emosyon ng bagong kardinal.