Sa pagpasok ng buwan ng Marso ay hudyat sa nalalapit na Kwaresma o Mahal na Araw. Kung kayat sa iba’t ibang bahagi sa bansang Italya ay nagsasagawa ng tradisyon na Carnivale kung saan mga bata mga matatanda ay nagsusuot ng iba’t ibang customes.
Ang Bollate na may mahigit 10 kilometro ang layo sa centro ng Milan at ang populasyon nito ay mayroon mahigit 38,000 kasama na ang mga dayuhan, ay nagdiwang ng tradisyong Grand Carnevale bilang pagsalubong sa Mahal na araw o Lenten season.
Bago pa man mag-umpisa ang parada ay nagdatingan na ang mga manlalahok sa Piazza della Resistensa, Bollate.
Ayon kay Don Matteo, Youth Center Leader at isa sa mga Organizer ng Grand Carnivale sa Bollate, ito aniya ay naging tradisyon na ng mga Italyano buhat pa sa kanilang mga ninuno.
“This is a tradition that started a long long time ago, this is the last day that we will eat meat and the next day will be the preparation for the easter”, wika ni Don Matteo.
Umabot ng mahigit kumulang na 2000 participants ang lumahok sa nasabing pagdiriwang at halos lahat ay pawang mga residente ng Bollate.
Ang mag-asawang sina Marites at Emil kasama ang kanilang nagiisang anak na si Megan na mula ng ipinanganak sa Italya ay kanilang isinasama at isinasali sa pagdiriwang ng carnevale.
Ayon sa mag-asawa ay labing isang taon na silang nakikiisa sa tradisyong ito.
Binaybay ng mga manlalahok ang ilan sa pangunahing kalsada sa Bollate at habang sila ay nagpaparada suot ang kani-kanilang mga costumes ay nagbabatuhan sila ng mga confetti at nagpapalitan ng party spray foams, at sumasayaw habang nagpapatugtog ang isang grupo na may dalang sound system na hila-hila ng isang traktora.
Karamihan ng suot ng mga bata ay mga marvel heros maging ang mga magulang at mayroon din costumes ng mga panahon ng 18th century.
Ang mga bata ay kasamang naglalakad ang kanilang mga magulang at mayroon din mga batang isinakay sa carrier na hila din ng traktora.
Sa kalagitnaan ng parada ay mayroon din mga naghihintay at nagpapahinga sa plaza nang Bollate dahil may kahabaan ng rota ang parada.
Doon ay namataan ng Ako ay Pilipino na nagpapahinga ang mag-ina na si Honey-Mae kasama ang tatlo niyang anak na sina Chloe, Alexia at Denise.
Ayon kay Honey Mae, pagod ang kanyang mga anak kaya nagpasya na lang magpahinga muna sila sa piazza.
At ayon sa ina, mahigit anim na taon na ring isinasali sa mga carnevali ang kanyang mga anak sa Bollate at para sa kanya ay mas maganda dito dahil nakikita mo lahat ang mga participants.
Nagtapos ang parada sa Oratorio ng San Filippi Neri na kung saan doon nagtipun-tipon muli ang mga manlalahok at nagkaroon ng maikilng programa.
Sa huling linggo ng buwan kasalukuyang partikular sa ika 21 ng Marso ay magkakaroon muli ang isang carnevali at ito naman ay hudyat ng pagsapit ng panahon ng tagsibol o spring.
Chet de Castro Valencia