Caserta cell group ng EL SHADDAI DWXI-PPFI (Prayer Partners Foundation International, Inc.), nagdiwang ng ika-16 na anibersayo.
Caserta, Marso 16, 2012 – Isang matagumpay na pagdiriwang ng Caserta cell group ng ika-16 na anibersaryo ng EL SHADDAI DWXI- PPFI(Prayer Partners Foundation International, Inc.) noong ika 4 ng Marso,2012 sa Tenda di Abramo Via Borsellino Paolo 4 Caserta, Italy. “This is my SON, whom i LOVE, Listen to him. Mark 9:7”, ang naging tema ng pagdiriwang.
Ang anibersaryo ay nasaksihan at dinaluhan ng maraming mga Filipinong buhat sa lungsod ng Caserta gayun din buhat sa iba’t ibang lugar ng Italya – ang Lecce cell group at Rome chapter. Ang banal na misa ay pinangunahan ng mga pari na galing pa sa Pontificio Collegio Filippino. Si Rev. Fr. Gregory Gaston, ang kasalukuyang Rector ng Pontificio Collegio Filippino kasama ang Spiritual adviser ng Caserta na si Fr. Roy Belen. Ang selebrasyon ay naging matagumpay dahil na rin sa tulong ng buong komunidad ng Caserta, ng choir, liturgy at lalong lao na ng core group na sina Sister Jonalet Jonson bilang coordinator, Brother Sancho Briones Jr. bilang assistant coordinator, Sister Arlene M. Asistin bilang Secretary Treasurer.
Marami ang nagalak sa nasaksihang matagumpay na pagdiriwang. Paraan din ito upang ang mga Filipino sa Caserta ay magkaisa sa iisang pananampalataya sa kabila ng mga pagsubok at hirap na nararanasan sa loob ng labing anim na taon. Ang komunidad ay nananatiling matatag dahil sa mga biyayang ipinagkaloob ng Diyos na siksik, liglig at umaapaw. Patuloy lamang na maniwala at ibalik ang mga biyaya na ibinigay Niya sa pamamagitan ng tapat na serbisyo at pakikiisa sa kapwa at higit sa lahat ang pagiging mapagkumbababa. (Sis. Brigette – Caserta)