Multa ng € 15,000 bilang paglabag sa batas ng kalakalan ng rehiyon
Firenze – Agosto 23, 2012 – Isang uri ng catering na nagbebenta ng mga pagkaing Pinoy sa mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga villa sa Versilia ang natuklasan ng municipal police ng Forte dei Marmi kamakailan.
Ayon sa mga report, ay kinumpiska ng municipal police ang lutong pagkain na naka-pack at handa ng ibenta na matatagpuansa tatlong sasakyan na pagmamay-ari rin ng ilang dayuhan. Bukod dito ay pinatawan ng multa, bilang paglabag sa Regional law 28/2005 ukol sa komersyo ng halagang 15,000€.
Ang mga pagkain ay inihahanda para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa kalapit na lugar para sa sabay sabay nitong panananghalian matapos ang mabigat na trabaho ng mga ito.
Ikinatuwa ng alkaldena si Umberto Buratti at local police commissioner, Alessio Felici, ang kinalabasan ng operasyon alinsunod sa pagtugis sa iligal na pagbebenta pati ng mga pekeng produkto na kilala sa Forte dei Marmi. Isang bagay na ikinalungkot naman ng mga Pilipinong nakikinabang na bukod sa mababang halaga ay pagkaing Pinoy pa ang ipinangtatawid gutom lalong higit ng mga part timer nating kababayan.