in

Centennial Celebration ng Mabini sa Roma, tagumpay

Ginanap din ang Mabini Town Fiesta Centennial Celebration sa Roma sa pangunguna ng Mabini Hometown Association o MHTA.

Bukod sa mga Mabinians ay dumalo rin ang iba’t ibang grupo, asosasyon at mga indibidwal sa Roma upang makiisa sa makasaysayang pagdiriwang.

Panauhing pandangal sa okasyon si Charito Basa na itinuturing na Ina ng MHTA at isa sa mga founding members nito. Ayon kay Basa, ang walong taong karanasan ng grupo mula ng ito ay maitatag, ay puno umano ng mga hamon na patuloy na nagpapalakas sa grupo.

Ang mga karanasang ito ay magiging gabay sa mas mahaba pang taon ng MHTA”, dagdag pa ni Basa.

Pasasalamat at higit na tagumpay naman ang mensahe ng kasalukuyang presidente na si Glenda Dolor.

Tampok din sa pagdiriwang ang 9 na paris ng mga Lakan at Lakambini.

Ang mga Lakan at Lakambini ay nagbahagi ng ganda at tikas ng mga kabataan sa Roma. Sa pagdiriwang ng sentenaryo, isang kultura at tradisyon ng mga taga Mabini ang nais ibahagi at ipamana sa mga kabataan na dito na ipinanganak sa Italya at upang kahit na nasa bansang banyaga sila ay hindi malimutan ang sidhi na ipagdiwang at ipagmalaki ang kultara ng mga taga Mabini”, ayon kay Regin Hernandez, ang bise presidente ng MHTA.

Sila ang mga Kagandahang itinanghal sa araw ng Fiesta”, ayon kay Yolanda Abu, aktibo at miyembro ng mga opisyal ng asosasyon.

Ang Mabini Hometown Association o MHTA ay inirehistro noong Setyembre 2011 bagaman nagsimula na ang mga pagpupulong ng grupo ng Dec 2010 sa parokya ng Santa Pudenziana, sa tulong ng Filipino Women’s Council o FWC.

Pangunahing layunin ng pagkakatatag nito ay ang mabigkis ang mga taga Mabini na naninirahan sa Roma at sa pamamagitan ng mga proyekto ay makatulong sa Mabini at mga kababayang nangangailangan doon ng tulong. Bukod dito, ay ang maipagpatuloy ang mga gawi at kaugaliang kinalakihan kahit malayo sa sarling bansa tulad ng taun-taong pagdiriwang ng town fiesta tuwing April 25 at ang iba pang mahahalagang okasyon, ang pagkakaoon ng sportsfest tuwing summer. Naging bahagi din ng programa ng MHTA ang ilang trainings, financial literacy at leadership training.

Ang mga Lakan at Lakambini ay sina:

Brgy P. Niogan
Ricalyn Bautista
Matteo Allen Salazar

Brgy San Teodoro
Ivy Birasa
Aivan Anyayahan

Brgy P. Anahao
Jensen Manansala
Mark David Ramirez

Brgy Bagalangit
Kimberly Jean Mendoza
Rafael Mendoza

Brgy Solo
Zhamen Napa
Khristian Arjhon Garcia

Brgy. Malimatoc 2
Cherry Anne Bueno
Bryan Guce

Brgy. P Balibaguhan
Ann Nicole Manibo
Napoleon Manibo

Brgy. Talaga Proper
Camilla Abby Dolor
Gilbert Allen Rogelio

Brgy. Bulacan
Yhessa Mae Dalangin
Nap Gutierrez

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ika-100 taon ng Mabini, ipinagdiwang sa Toskana

Nais magpunta sa Europa? Narito kung paano at kung anu-ano ang mga requirements