Inilabas na ng Philippine Consulate General in Milan ang pinal na listahan ng mga Certified List of Voters para sa Milan at North Italy.
Sa datos ng PCG Milan, mahigit 27,628 na registered voters sa nasabing lugar na makikita ng mga kababayan natin na nakapaskil papasok sa gusali ng Konsulado.
Sa Seafarers, ayon kay PCG MIlan Consul Manuel Mersole Mellejor, mayroong mahigit 43,033.
“Yun ay para sa pangkalahatan, pang global na listahan at binibigay natin ito sa foreign service post kasi allowed naman silang bumoto kung saan sila maabutan sa port of call nila, puwede silang bumoto sa pinakamalapit na Philippine service post”, ani Consul Mellejor.
Kaugnay nito mayroong 34,513 na mga registered voters sa jurisdiction ng Rome na kasama ang Malta at Albania, ayon sa website ng Comelec.
Samantala, masusunod pa rin ang proseso halintulad sa nakaraang presidential elections o ang pagkakaroon ng modified overseas voting kung saan ang mga balota ay ipapadala sa botante maliban sa personal voting.
“That accounts for the distribution ng mga tao dito sa jurisdiction natin dahil may mga taong nasa malalayo sa Milan”, wika ng Consul.
Dagdag pa ni Mellejor na mayroong isang buwan para sa mga overseas voters na mag castng kanilang mga boto, at ipapadala nila ang kanilang balota pabalik sa konsulado sa pamamagitan ng return post mail.
Maaring maging automated ang pagbilang sa mga balota subalit wala pang natatanggap na directives sa kasalukuyan ang Konsuldo mula sa COMELEC ukol sa proseso ng bilangan subalit naniniwala si Mellejor na mas makakabuti ang automated kaysa sa manual counting dahil mabilis makuha ang resulta ng bilang para sa bawat kandidato.
Ang campaign period para sa national candidates ay mag-uumpisa sa Feb12 samantala para sa mga local candidates ay sa March 29. Magtatapos ang campaign period sa May 11 ng taong kasalukuyan.
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa ng konsulado ang abiso galing sa COMELEC kung kailan sisimulan ang election para sa overseas voters sa kadahilanang ang buwan ng Abril ay panahon ng Semana Santa at hindi maaring maantala ng kahit isang araw ang botohan na mayroon mahigit isang buwan na nakalaan para sa mga overseas voters.
“Ang PCG Milan sa ngalan po ng atin Consul General Susan Irene Natividad, we encourage ang ating mga registered overseas voters hindi lang sa jurisdiction ng Milan pati yung sa mga ibang foreign service post na to exercise their rights of sufrage. Kung may pagkakataon kayo, gawin niyo ang inyong obligation na bumoto para sa ating halalan, dahil it also helps in our process of moving forward sa paguunlad ng atin bayan sa pamamgitan ng pagpili ng mga responsableng officials.”Ang panawagan ni Consul Mellejor.
Muli niyang pinaalalahanan ang mga botante na kahit wala silang mga voters ID subalit nakalista ang kanilang mga pangalan sa Certified List of Voters o CLOV ay maari silang bomoto.
At para sa ating mga registered voters ay maaari makita ang kanilang mga pangalan sa website ng PCG Milan sa milanpcg.dfa.gov.ph.
Mahigit 62 Senatorial candidates ang pansamantalang inilabas ng COMELEC, at 134 naman para Party List candidates.
Chet de Castro Valencia
larawan ni Jesica Bautista