in

CHAPTER ONE BAND, SA FILIPINO YOUTH ROCK EXPO 2011

altIsang libreng  mini-concert na nagpamalas ng mga talento ng mga kabataang Pilipino sa Terni.  Isang selebrasyong isinagawa ng FILCOM Terni bilang pagsalubong sa nalalapit na tag-init.

Terni – “Minsan lang sa isang taon dumarating ang tag-init, kaya kailangang mainit din ang ating pagsalubong dito.”  Ito ang ibinungad sa akin ni Ms. Marz Magmanlac, nangangasiwa ng Music Ministry ng San Francesco Filipino Community ng Terni nang minsan ko siyang makasalubong na naglalakad sa sentro ng siyudad noong mga kalagitnaan ng buwan ng Marso.  Kasama niya noon ang ilang kabataang may dala-dalang mga gitara.  ”Alam mo naman kapag winter, halos lagi tayong nasa loob ng ating mga bahay dahil nga malamig.  Kaya tag-init ang best season para sa bonding time ng pamilya at ng komunidad.”  Ito ang mga kasunod na mga kataga na kanyang sinabi habang bakas na bakas sa kanyang mga mata ang sobrang katuwaan dahil sa binubuo niyang proyekto na katatampukan ng mga kabataang Pilipino sa Terni.  Pagkaraan lamang ng halos dalawang buwan matapos ang nasabing inkontro, isang mini-concert ng mga kabataang Pilipino ang naganap sa siyudad ng Terni.

Mayo 28, ang petsang patuloy na mananatili bilang isa sa mga importanteng araw para sa CHAPTER ONE BAND, kauna-unahang grupo ng banda na kinabibilangan ng mga kabataang Pilipino na nabuo sa kasaysayan ng San Francesco Filipino Community – Terni.  Sa nasabing petsa nila ipinamalas ang kanilang mga angking kakayahan sa pagtugtog at pagkanta sa pamamagitan ng isang mini-concert na may titulong The Filipino Youth Rock Expo 2011 na ginanap sa Hotel de Paris sa Viale della Stazione.  Isang grupong tumatak sa puso ng bawat Pilipinong naroroon – sa bawat lirikong binibitiwan ni Marvin Dellamas Ilao (vocalist), sa bawat kalabit ng bass ni Nico Dastas (bahista), sa bawat strum at  kalabit ng mga gitara nina  Kervin Dellamas Ilao,  Vic Joseph Maranan Bantugon at Cristopher Ortega Dalisay (guitarists) at sa bawat palo ng mga kamay ni Cristian Macaraig Atienza sa ”cajon” (cajon player).  Itinampok din sa mini concert bilang mga special guests sina Marjhurie Manalo, Bea Luistro, Angel Capadosa, John Leo Maranan Bantugon, Jr., Mavil Adem, Jed Maranan, Carla Candelaria at Al Salem, Jr. 

Tumayong Casting Director ng mini-concert si Ms. Marz Magmanlac samantalang si Mr. Oliver Magmanlac naman ang Musical Director.  Sa nakitang tagumpay ng isinagawang mini-concert ng mga kabataang Pilipino sa Terni, tama ang ating pambansang bayani, si Dr. Jose Rizal, sa pagsasabi ng ”Kabataan, pag-asa ng bayan”.  Mabuhay ang lahat ng mga kabataang Pilipino sa buong mundo! ni: Rogel Esguerra Cabigting

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Apatnapung libo, bilang ng mga bagong Italians!

MARONI: Ihihinto ko sa pamamagitan ng panukalang batas ang pagiging malaya ng mga iligal na dayuhan