in

Chef Nestor, hinangaan sa Sushi Festival sa Roma

Pinilahan, binalikan at hinangaan ng libu-libong mga sushi lovers ang Chef Nestor World stand sa ginanap na Sushi festival sa Roma. 

 

Roma, Mayo 5, 2017 – Sampung mahuhusay na sushi chefs ang nagtipon-tipon sa ginanap na Sushi festival nitong Abril sa marangyang Palazzo Brancaccio, ang pinakahuling noble palace na itinayo sa Roma noong 1886 hanggang 1912. 

Mula pa sa Pescara ay hindi nagpahuli ang unang-unang tanyag na Pinoy Sushi chef na si Nestor Malabanan, ang owner ng tatlong Sushi bar at restaurants, ang Chef Nestor World (Chef Nestor 1, Chef Nestor 2 at Chef 3) 

Napakahalaga ng aking partesipasyon dito sa festival bilang isang chef at bilang isang Pilipino. Ang makisabay sa mga pinakatanyag na Japanese restaurants sa Roma ay isang malaking hamon at tagumpay na rin para sa akin”, ayon pa sa tubong Paete Laguna at tapos ng Hotel and Restaurant Management na si Nestor. 

Ayon kay Umberto Pompei, ang kasalukuyang abugado ni Nestor, bago pa man nya makilala si Nestor ay sushi lover na umano ito ngunit, ito ay pansamantala niyang isinang- tabi dahil sa naglabasang mga Chinese at Japenese eat-all-you-can restaurants. “Ngunit ng matikman ko ang kanyang sushi, para sa akin siya ang pinakamagaling na Sushi chef”. 

Sa katunayan, si Nestor ay maituturing umanong sushi fusion expert, dahil sa kakayahang pagsamahin ang 2 o 3 sangkap. 

Halimbawa ang ricciola, isang uri ng isda na kanyang karaniwang ginagamit at mula dito ay ginawa niya ang kanyang sariling bersyon ng tartara alla pescarese, ang specialty ng Chef Nestor World na binabalik-balikan at hinahanap-hanap sa Pescara. 

Marahil ay may segreto sya na kahit kailan ay hindi nya ihahayag”, biro ni Umberto. “Ngunit hinahamon ko ang sinuman na tikman ang kanyang sushi at siguradong makikita at matitikman ang pagkakaibang babalikan sa Chef Nestor World”. 

Mataas na kalidad at ang pagiging mapili ni chef partikular sa pagpili ng isda ay pangunahin para kay Nestor. Dahil dito ang mga residente ng Pescara ay itinuturing siyang isang tunay na Japanese chef. 

Bukod sa pagiging tanyag na chef ay itinuturing na magaling rin na businessman si Nestor sa Pescara”, ayon pa kay Umberto.  

Nagsimula si Nestor bilang chef sa isang kilalang restaurant sa Pescara. Dito ay simulang napansin ang kakaiba at pambihirang husay niya na nagbigay-daan para simulan ang sariling negosyo. 

Mula sa 1 ay mabilis na umabot sa tatlo ang Chef Nestor World. Inaasahan rin ang nalalapit na pagbubukas ng Chef Nestor 4 sa Hunyo. 

Alam nating lahat na mata- as ang presyo sa mga Japanese restaurants. Ngunit sa pana- hon ng krisis, ang mapuno ang 3 restaurants sa tanghalian at hapunan ay nanganghulugan lamang ng pagiging mahusay ring businessman ni Nestor, bukod sa pagiging mahusay na chef”, pagtatapos ni Umberto. 

Kami mula sa Unione Filippini Abruzzesi o UFA, ay sinusuportahan our very own Chef Nestor Malabanan mula sa Pescara. Sa kabila ng kanyang patuloy na tagumpay ay na- nanatili po syang mababa ang loob at malapit sa komunidad. Kami po ay natutuwa bilang kaibigan at kababayan na ang kanyang stand, coking show at workshops ay pinilahan ng mga Sushi lovers sa Roma”, ayon kay Cherryl Moana Caras. 

Si Chef Nestor, bukod sa pagiging aktibo sa komunidad bilang opisyal ng Unione Filippini Abruzzesi o UFA, se- rvant leader ng Couples for Christ at aktibong miyembro ng Guardians, ay isa sa mga nakatanggap ng “Premio dell’Imprenditoria Immigrata in Italia” noong Hunyo 2016 mula Money Gram awards, sa kategoriya ng ‘Occupazione’.  Pinarangalan din bilang isa sa mga Outstanding Employer of the Year ng Federfil sa Milan noong Nobyembre 2016. 

 

 

 

PGA 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kasalukuyang sitwasyon ng imigrasyon, ipinaliwanag ni Usec Manzione

Pinay nabagsakan ng pader, patay