in

Chess clinic program para sa mga kabataang Pinoy, inilunsad ng FEMICA

Pormal ng inilunsad ng Filipino European Migrants International Chess Academy o FEMICA ang chess clinic sa pakikipag-tulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Italia. Ang chess clinic program ay gaganapin tuwing Sabado at Linggo sa Pavillion ng Philippine Embassy sa Viale Medagle d' Oro 112-114 – Rome.

Pangunahing layunin ng programa ang maipalaganap sa buong filipino community dito sa Europa lalo na sa mga kabataan ang larong chess upang ito ay makatulong bilang sangkap sa kanilang edukasyon, makaiwas sa mga di magandang gawain at mahasa ang kanilang pag-iisip sa laro habang bata pa.

Ang chess clinic program ay naghahangad ding tumuklas ng mga talento sa mga kabataang ito upang tuluyang hasaing sa paglahok sa taunang World Youth Chess Championship ( under 8,10,12,14,16 years old, boys & girls division ) at sa ASEAN Age Group bilang mga kinatawan ng bansang Pilipinas.

Ang larong chess ay itinuturing na number 1 sport ng mga kabataan sa Europa dahil ito ay isang disenteng laro, may malaki at magandang maitutulong sa pag iisip ng mga kabataan sa pamamagitan ng memory, logic, concentration, psychology, mathematics at self- confidence.

Ang chess competition ay hindi inaanlintana kung malaki man o maliit, kung bata man o matanda dahil ito ay itinuturing na laro ng utak. Ito rin ay internationally recognized sport at nangangahulugan na hindi lamang kapwa Pilipino ang makakalaban kundi mga dayuhan din buhat sa ibat-ibang panig ng mundo.

Mayroon din itong life-time title bilang indibidwal na manlalaro. Maaaring ma- achieve ang mga titolo tulad ng International master at Grandmaster title na ibinibigay ng World Chess Federation o FIDE.

Sa Parliamento ng Europa,ang larong chess ay binibigyang pansin at suporta sa pamamagitan ng financial assistance at ito'y ini-endorso sa mga paaralan lalo na sa elementary level at hinihikayat din na magkaroon ng mas maraming chess schools o associations.

Tulad sa Amerika ay nagbibigay ng mga schoolarship sa high school at college, sa mga kabataan na mayroong magandang record sa mga chess competitions at mayroong mataas na FIDE – elo rating.

“FEMICA- Rome is the umbrella organization for all chess clubs, associations or schools in Europe who wish to be recognize by the sole governing body of chess in the Philippines. F EMICA shall be considered as a branch office of NCFP in Europe that will organize tournaments and conduct chess elimination games for the filipino kids that would serve as the basis for selection to officially represent the Philippines in different prestigious international chess competitions” – ayon kay IM Virgilio Vuelban.

Ang lahat ng interesado ay maaaring makipag-ugnayan kay IM Virgilio Vuelban sa numero: 3209722124 o makikipag ugnayan sa Embahada para sa karagdagan impormasyon.    

  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

PHL GOVERNMENT ACTS ON UNDELIVERED BALIKBAYAN BOXES

Pinay, ni-report ang kasama sa apartment sa pagbebenta ng shabu