in

Cine Filipino, itatanghal ng Embahada sa Roma

Roma – Pebrero 15, 2013 – Itatanghal sa Embahada ng Pilipinas sa Roma ang Cine Forum. Ito ay ang pribadong pagpapalabas ng mga klasikong pelikulang Pilipino sa orihinal na wika nito at mayroong english subtitles.

Ayon sa website ng Embahada, muling ibabalik diumano ng Cine Filipino ang mga dekalidad na pelikulang Pilipino buhat sa mga pinaka tanyag na direktor na nagbigay ng karangalan sa bansa sa larangan ng ‘cinema’, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga ito sa social hall ng Embahada tuwing ikalawang Huwebes ng buwan.

Unang itatanghal ang “Ina, Kapatid, Anak” ni Lino Brocka sa darating na Marso 14 sa ganap na ika-lima ng hapon.

Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Embahada sa pamamagitan ng email address: culturale.filippine@gmail.com.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Higit sa 800 partners, nagpalitan ng “I do” sa araw ng mga puso

Imigrasyon, idinagdag sa programa ni Monti