in

Citizenship, tema ng PSI

“Ang citizenship ay tumutukoy lalo’t higit sa pagmamahal at paggalang bilang Inang Bayan ng mga batang ipinanganak at lumaki sa bansang Italya”.

altRoma, Marso 21, 2012 – Ang tema ng pagkakaroon ng citizenship ng mga ‘New Italians’, ay isa sa mga tema ng Partito Socialista Italianoo PSI at sa pakikipagtulungan ng CIM(Pederasyon ng mga Italians sa buong Mundo), ay ginanap ang National Convention ukol sa usaping may kinalaman sa migrasyon.

“Ius Soli, Ius Sanguinis – Un popolo di immigrati e di emigrati, prospettive e soluzioni”, ang naging tema ng mahalagang pagtitipon. Ginanap noong nakaraang Miyerkules Marso 14 sa Roma sa Sala Capranichetta (Piazza Montecitorio) at dinaluhan ng mga parliamentarians mula sa ibang bansa na sina Hon. Porta mula sa South America, Hon. Giordano mula Canada at Hon. Berardi mula sa North America at ilang mga miyembro ng Partito Socialista Italiano tulad nina Hon. Angelo Sollazo at Michele Piacentini (Presidente ng UNOC) kasama si Analiza Bueno Magsino (Presidente ng ASLI).

“Bilang isang asosasyon, ang tema ng pagkamamamayan ay isang mahalagang aspeto lalo na para sa isang malaking komunidad tulad ng mga Filipino. Aming inilathala ang Saligang Batas ng dalawang bansa, ng Italya at ng Pilipinas na may pamagat na “Due Costituzioni, un’unica cittadinanza culturale e Filippini in Italia”,mayroong Italian at Tagalog translation upang unang una ito ay higit na maunawaan ng mga Filipinong kasalukuyang naninirahan sa Italya”, paliwanag ni Bueno bilang pagpapakilala sa Associazione Stranieri Lavoratori in Italia o ASLI.

Hindi na dapat pang patagalin, ayon pa kay Bueno, na sa tulong ng pagpupulong na ito, ang matagal ng panukula tungkol sa italian citizenship ay bigyang pansin at ipatupad sa lalong madaling panahon sapagkat sila ay mga batang ipinanganak sa Italya,  karapatang dapat ipagkaloob sa kanila sapagkat sila’y anak ng mga dayuhang manggawang nagbabayad ng buwis, nagtatrabaho at may malaking ambag sa lipunan ng bansang Italya na hanggang sa kasalukuyan, ang pantay na karapatan ay hindi nila nakakamit tulad halimbawa ng karapatang bumoto.

“Ang ang pagkakaroon ng italian citizenship at konsepto ng mga saligang batas para sa akin, lalo’t higit para sa mga anak ng mga migrante na isinilang sa Italya, ay pinakamahalagang basehan upang alamin ang mga karapatan at mga tungkulin ng bawat mamamayan. Instrumento upang palalimin ang kaalaman ng kaniyang pinagmulan at sa pag-asang hindi malimutan ang bansang pinaggalingan ng kanilang mga magulang. Ito ay tumutukoy lalo’t higit sa pagmamahal at paggalang sa Inang bayan ng mga batang ipinanganak at lumaki sa bansang Italya”, pagtatapos pa ni Bueno.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy, ban sa Syria

Tulong sa Sendong victims, ibinigay ng Filcom Tuscany