in

Clean Up Drive Project, isinagawa ng FilCom sa Messina

Bukod sa pagpapahalaga sa kalinisan at pagbibigay ng magandang halimbawa sa mga residente layuning ipakita ang sama-samang pagtutulungan at pakikiisa ng mga Pilipino sa lungsod na kasalukuyang sa kanila ay kumukupkop.

 

 

Messina, Abril 27, 2016 – Clean Up Drive project ang isinakatuparan ng Filipino community noong nakaraang April 17, 2016 sa Piazza Cairoli, Messina.

Pinangunahan ng Triskelions Group at Associazione Comunità Filippina (ACF) sa pakikipagtulungan ng MSP Italia, layunin sa nabanggit na inisyatiba, sa pamamagitan ng mga masigasig na boluntrayo, ang ipakita ang sama-samang pagtulong at pakikiisa ng mga Pilipino sa lungsod na kasalukuyang kumukupkop sa kanila. Bukod pa sa pagpapahalaga sa kalinisan at pagbibigay ng magandang halimbawa sa mga residente.

 

 

Karaniwang sports ang inisyatiba ng ACF, na itinatag noong November 2007 at sa unang pagkakataon ay nagpasiya ang asosasyon na makiisa sa magandang adhikain ng paglilinis ng Piazza Cairoli na iminungkahi ng Triskelions group.  

Suporta naman mula sa mga Italians na sina Matteo Panarello at Atty. Angelo Minesalle sa pag-oorganisa ng inisyatiba na tumagal ng mahigit tatlong oras na paglilinis.  

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Domestic workers, caregivers at babysitters, bonus ng € 960 sa tax return

Basketball One Day League at Kampanyang Bigas Di Bala, idinaos sa Firenze