in

Click to Pray app at clicktopray.org, inilunsad ng Santo Padre para sa pagdarasal online

Inilunsad kamakailan ng Santo Padre ang Click to Pray app at www.clicktopray.org. Sa pamamagitan nito ay inanyayahan ni Pope Francis, partikular ang mga kabataan na magdasal online.

Malaki ang paghahangad at pag-asa ng Santo Padre ang mailapit ang mga Millenials sa panalangin at pananampalataya. Sa pamamagitan ng isang app ay masusubaybayan ang liturgical calendar, matutunan ang magdasal ng holy rosary, pati na rin ang Ebanghelyo.

At bakit naman hindi, kahit online.

Sa katunayan, ang Click to Pray app ay isang plataporma na ginawa para  sa World Youth day 2019 na kasalukuyang ginaganap sa Panama. At sa pamamagitan ng app na ito ay binibigyang halaga ng Santo Padre ang isang yaman ng kasalukuyang panahon.

Ang Internet at social media ay isang yaman sa kasalukuyang panahon, gamitin natin itong instrumento upang mapalapit sa panalangin”.

Ang app ay katulad ng lahat ng mga app. Para ma-download ito sa smartphone, hanapin lamang ang Click to Pray app at mag-register.

Bukod sa application ay inilunsad din ang website na  www.clicktopray.org.

Ang website ay nahahati sa tatlong bahagi: 1) Pray with the Pope (Pregare con il Papa) 2) Morning prayer (OPreghiera del giorno) at 3)  Online Prayer (Pregare online).

Sa huling nabanggit, lahat ng nagdadasal, kasama ang Papa, ay maaaring magpalitan ng panalangin para sa isa’t isa. Dito ay matatagpuan din ang personal profile ng Santo Padre.https://www.clicktopray.org/it/user/papafrancesco

Ang website ay nasa 6 na iba’t ibang wika.

Sa katunayan, higit sa 800,000 katao ang mga nagdasal online kasama ang Santo Padre. Higit sa 40,000 ang nag-click para sa prayer intention of the month, evangelization ng mga kabataan partikular sa South America. Higit sa 1,000 ang nagdasal sa hatinggabi habang halos 10,000 naman ang nagdasal sa umaga.

Matatandaang naglunsad din ng Pontifex account sa Twitter ang Santo Padre kung saan mayroong 4.86 million followers at 1824 posts.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang Pinoy, kabilang sa mga tinanggihan ang renewal ng permit to stay sa Mantova

Pinoy seaman, sinaklolohan ng Guardia Costiera sa La Spezia