Isang liham kalakip ang Info Bulletin no. 8 – 2011 na naglalaman ng impormasyon tungkol sa pagpapatupad ng bagong unipormeng sistema sa pag-rehistro ng mg Pilipino sa Italya ang ipinakalat ng Embahada noong March 18, 2011 upang bigyang linaw ang pahayag ni Ambassador Romeo Manalo na pag-asa pang iurong ang circular no. 29. Sa liham ni Manalo, ang dalawang circular ay kasalukuyang ipinatutupad na sa buong Italya.
“The Embassy supports the issuance and continued implementation of the Circulars as it firmly believes that the new uniform system on registering Filipinos in Italy is for the better good of all our kababayans in ltaly”, malinaw na nakasaad sa liham ng Ambassador.
“I completely understand that the implementation of the new uniform system may cause initial confusion. However, allow me to assure you that the Embassy has made extensive coordination with the Italian authorities, and have actively engaged with the members of the Filipino community in Rome, to ensure the clear, uniform and smooth implementation of the Circulars throughout Italy”, ayon sa kaniya.
Matatandaan na noong ika-10 ng Marso, isang opisyal na convention ang isinagawa ng mga nahalal na konsehal sa Roma sa pamumuno ni Romulo Salvador, adjunct councillor ng Roma Capitale. Bagamat may halos humigit kumulang 60 ang dumalo sa nasabing convention kung saan ay naging panauhin si Dottoressa Lattarulo ng Ministero dell’Interno, sinigurado nito ang kaayusan ng proseso at ang pagpapatupad sa mga circulars ang lulutas sa matagal ng problema ng mga local offices sa bansa at sa wakas ay magiging pare-pareho na ang pamamaraan ng pag-rehistro ng mga Pilipino sa Italya.
Naging panauhin rin si Ajunct Councillor Madisson Godoy na sumusuporta sa mga panukalang ito. Handa umano si Hon. Godoy na makipagtulungan sa anumang inisyatiba ng mga Pilipino na makakatulong sa integrasyon nito sa lipunan.
Inilarawan naman ni Consul General Danilo Ibayan ang naging dahilan kung bakit dapat na solusyunan ang maling pagtrato sa pangalan ng mga Pilipino. Ayon sa kaniya, may iba’t ibang pamamaraan ng pagsulat sa pangalan na naging dahilan ng “confusion” sa pagrehistro ng mga Pinoy sa bansa. Kasama niyang nagpaliwanag si Consul Kristine Salle na naging aktibo sa pag-intindi at pakikipag-usap sa mga local authorities.
Noong March 13, muling humarap si Ambassador Manalo sa isang forum na inorganisa ng grupong Task Force Circ. 29 – Alyansa ng Manggagawang Pilipino sa Italya, pinamumunuan nina Bro. Junn Felix Mendoza Landicho bilang presidente at Noel Argon Gofredo, Sec. General ng grupo. Sa Forum na ito, nabigyan ng pag-asa ang grupong kontra sa Circular no. 29 nang sabihin ni Manalo na “puwede pa may magagawa pa”. Isang bagay na naging dahilan upang magpainit sa isyu at ang diskusyon ay umabot hanggang Facebook. Dito’y malayang nasabi ng mga sang-ayon at hindi sang-ayon sa mga circulars ang mga salitang hindi na dapat pa sana umabot sa pagkakaroon ng di pagkakaunawaan.
Sana naman, ang liham ni Amdassador Manalo at mga impormasyong ipinadala sa mga leaders ang syang makapagpahupa sa alitan ng mga aktibong miyembro ng komunidad. Maipakita nawa natin ang pagiging propesyunal, organisado, mabubuting mamamayan, may angking talino, may respeto sa kapwa at may takot sa Diyos.
“Let us continue to work together for the protection and welfare of the Filipino community in Italy” – ang huling salita na sinabi ni Ambassador sa kaniyang liham.
(Liza Bueno Magsino)