in

Coastal Clean up Drive, isinagawa ng mga kaanib ng INC Rome

Bilang bahagi ng Lingap sa Mamamayan (Aid to Humanity) at INC Giving ay isinagawa ng 300 mga kaanib INC Roma Italya ang Coastal Clean up Drive. 

 

Focene Fiumicino Italya – Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Roma Italya ay nagsagawa ng Coastal Clean up Drive bilang bahagi ng kanilang isinasagawang mga aktibidad na Lingap sa Mamamayan (Aid to Humanity) at INC Giving

Ang humigit kumulang na 300 na kaanib na nakiisa sa nasabing aktibidad ay nagdala ng kani-kanilang mga kagamitan at kasangkapan para linisin ang Coastal Area ng Focene, Fiumicino. 

Hindi masukat ang kanilang kasiyahan sa aktibidad na ito, dahil bukod sa magkakasama ang bawat pamilya sa pangunguna ng Kapisanang Pansambahayan ng Iglesia ni Cristo o Christian Family Organization, ang aktibidad na ito naging tulay rin upang maituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pagiging isang mabuting mamamayan at ang pagpapanatili ng malinis na kapaligiran. 

Ang mga nangunguna sa Comune ng Fiumicino ay nagpahayag ng pasasalamat nila sa Pamamahala ng Iglesia ni Cristo at sa mga kaanib na nakiisa sa aktibidad na nabanggit. 

Sa pagtatapos ng aktibidad ay muling napatunayan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang kanilang pagkakaisa, ang kanilang pananampalataya at pagsunod sa utos ng Panginoon na mahalin ang ating mga kapwa. Lahat ay sa kapurihan ng Panginoong Diyos. 

 

INC Rome

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong pamunuan ng GSBII Bronzewing Firenze Chapter, nanumpa

Mga dapat malaman tungkol sa OFW balikbayan box