in

Colf, pinagbintangan ng pagnanakaw at nagtangkang tumakas mula sa bintana matapos ikulong ng employer

Roma, Setyembre 21, 2012 – Isang Pilipina, 27 anyos, R. R. isang colf sa isang marangyang apartment sa Via Francesco Denza, Parioli (Roma) ang inakusahan ng employer na nagnakaw ng alahas at relos na ngakakahalaga ng 100,000 euros. Kinulong ang Pinay, kinuha ang dokumento at tinakot na mayroong surveillance video sa loob ng apartment. Makalipas ang alas12 ng hatinggabi ang colf ay nagtangkang tumakas sa bahay ng employer mula sa bintana gamit ang bed sheets. Maaring dahil sa maling kalkulasyon o hindi maayos na pagkakabuhol sa bed sheets, ang Pinay ay bumagsak mula sa ikatlong palapag, na may taas na 12 mt. Isang residente ang nakakita sa dalaga sa kalsada ang tumawag ng pulis at nagsampa ng kaso sa employer at owner ng apartment, ng kasong sequestro di persona o kidnap.

Ayon sa mga unang report, hindi naging madali para sa pulisya ng Commissariato Villa Glori sa pangunguna ni dott. Giuseppe Rubino na buuin ang mga pangyayari na noong una ay inaakalang suicide.

Ang dalaga ay nagsisilbi bilang colf  halos dalawang linggo pa lamang, ka-relyebo ng isa ring colf na Pilipina, subalit iniwang nag-iisa ng employer habang ang huli ay nasa bakasyon. Umaga ng sabato, ang Pilipina ay nagpapasok sa apartment ng nagpakilalang kapatid diumano ng employer at pagkatapos at niyaya pa diumano ng nagpanggap na kapatid ang Pinay sa bar para mag kape. Mabilis namang inabisuhan ng colf ang employer ng matuklasang may ilang piraso ng hikaw sa sahig ng silid nito at matuklasang bukas ang closet ng kanyang employer.

Linggo ng gabi ng dumating ang employer at natuklasan nitong mawawala ang ilang alahas at relos na nagkakahalaga diumano ng 100,000 euros. Hindi pinaniwalaan ng employer ang colf at matapos ang tila pag-aaway ng dalawa ay napatunayang walang anumang alahas na nawawala ang natagpuan sa Pilipina: sa puntong ito, ang employer ay pinilit na paaminn ang colf dahil mayroon diumanong video surveillance ang magpapatunay nito. Kinulong ang Pinay, kinuha ang susi, telepono at dokumento ng dalaga.

Ang Pinay ay sumailalim sa maselang operasyon. Samantala, ang kaso ay kasalukuyang sinusubaybayan ng Embahda ng Pilipinas.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regolarizzazione. Le FAQ del ministero del Lavoro

Linawin ang mga katibayan ng presensya sa Italya o magiging isang flop