in

Commemorative stamp at bilateral agreement, inilunsad ng Poste Italiane at Phil Post

Rome – Abril 17, 2013 Kaugnay ng isang taong pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo ng Philippines-Italy Diplomatic Relations na sinimulan noong nakaraang Hulyo, ay inilunsad ng Philippine Embassy at ng Philippine Postal Corporation (Phil Post) ang Commemorative stamp kamakailan sa main office ng Poste Italiane sa Roma.

Isinagawa nina H.E. Ambassador Virgilio A. Reyes, Jr., Phil Post CEO and Postmaster General, Josefina M. Dela Cruz at CEO Poste Italiane, Massimo Sarmi ang unveiling ceremony. Ang Banaue Rice Terraces ng Pilipinas at Cinque Terre naman ng Italya ang mga larawan sa selyo, gayun din ang mga national heroes na sina Jose Rizal at Guiseppe Garibaldi ay itinanghal sa Official First Day Cover nito.

Kasabay na inilunsad ang Postepay Twin at ang Eurogiro nina CEO Poste Italiane Massimo Sarmi at Postmaster general at CEO Phil Post Josefina Dela Cruz bilang bahagi ng kasunduan ng dalawang bansa upang maging mas madali para sa Filipino community sa Italya ang magpadala ng pera sa Pilipinas.

Ang Twin cards ay dalawang prepaid Postepay (ng Postamat at Visa Electron) na nagtataglay ng logos ng dalawang tanggapan, na magpapahintulot sa mabilis at kumbinyenteng paraan upang mai-load ang pera sa unang card sa Italya at matanggap naman ito sa pamamagitan ng ikalawang card sa Pilipinas. Samantala, ang Eurogiro naman ay isang paraan ng money transfer mula sa post office.

Ayon sa mga pag-aaral, patuloy ang pagtaas ng remittances mula sa bansang Italya at hangarin ng Poste Italiane ang maging bahagi sa pagbibigay serbisyo maging sa mga imigrante at umaasang sa pamamagitan ng proyektong ito ay maibaba ang service charges ng remittances batay sa “5X5” commitment tulad ng hangarin ng G8 at G20.

Samantala, gamit ang personal document ni Phil Post CEO Dela Cruz ay natunghayan ng mga panauhin ang opisyal na simula ng kasunduan sa ginawang pagpapadala ng pera sa Pilipinas mismong sa sportello ng Poste Italiane.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan nina former Italian Ambassador to the Philippines, Luca Fornari, PhilPost Board Member Joel Otarra, Assistant Postmaster General Luis Carlos, opisyales mula ASEAN Committee (Embassies) sa Roma, mga opisyales mula Italian Ministry of Foreign Affairs at maging ang inapo ni Giuseppe Garibaldi ay naging bahagi rin.

Inilunsad rin ang bilateral agreement sa Filipino communities sa Florence noong April 1 at sa Roma noong April 4 nina Postmaster General Dela Cruz, Assistant Postmaster General Luis Carlos at Board member Joel Otarra.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Dalawang Pinoy, pangunahing suspect sa nakawan sa Olgiata

14 anyos na Pinay, tumalon mula sa 6th floor