in

Concert for a Cause ng UFAA Arezzo

Isang konsyerto ang ginanap noong Hunyo 2, 2012 sa Centro Artistico Corso Italia 108, Arezzo.

Firenze, Hunyo 22, 2012 – UFAA Arezzo Wave, ito ang  titolo ng makabuluhang konsyerto na ginanap sa Centro Artistico, Arezzo noong nakaraang Hunyo. Layunin nito ang makalikom ng pondo upang itulong sa mga ulila at kapuspalad na mga bata sa Pilipinas sa pamamagitan ng “Bantay Bata 163 Foundation ng ABS CBN”. Ito ay inorganisa ng United Filipino Association in Arezzo – UFAA sa masigasig na pangunguna nila Founder Bernard Castillo Abrena at Pres. Chiquita Oliva Manuel. 

Apat na banda mula sa Toscana ang lumahok sa pagdiriwang: ang “ABSTRACTION BAND” mula sa Firenze sa pangunguna ni LAILANI BADJAO, ang grand champion lead vocalist, “APPLAUSE BAND” ng Siena sa pangunguna ni lead vocalist DIVINA LASIN, “COURE DI PIETA BAND” ng Arezzo sa pangunguna ni lead vocalist RICHARD JARAMEL at “TUYONG DAHON BAND” ng Empoli. 

Kinagiliwan ng maraming kabataan na mahilig sa rock music ang nasabing konsyerto samantalang bumilib naman ang mga manonood sa husay at galing ng mga Bandang Pinoy.  Naging panauhing pandangal si Hon. Consul Dott. Fabio Fanfani kasama ang Confed Leaders Pres. Val Capsa, Elmer Clemente at Pabs Alvares. Ipinakilala rin sa naturang okasyon ang mga bagong halal na mga officers ng UFAA Arezzo na sina:

Founder – Bernard Castillo Abrena
President – Chiquita Oliva Manuel
Vice Pres. – Lilia Galao Jaramel & Ma. Sally Bautista
Secretaries – Julie Ann Jaramel & Streisand S. Mercurio
Treasurers – Sherryl Malaluan & Joy Olive Manuel
Auditors – Maria Corazon Baclig & Susan T. Bautista
PROs – Liliana Requepo & Teddy Salvador Regua
Advisers – Richard Jaramel,  Danilo Madriaga,  Vincent Rapanut,Rolando Baclig & Pablito Rabang
 

Kasabay ng pasasalamat ng pamunuan sa mga gumabay sa kanilang magandang adhikain tulad ng LBC, City Travel Agency, Robinson Land Corporation, BDO, Guardians PGBII Pistioa at Avida, ay masaya ring ibinalita ang tagumpay ng pagdiriwang at nakalikom ng halagang P 25,000 na kanilang itutulong sa mga nangangailangan sa bansang Pilipinas

“We would like to thank everyone in helping us to make this possible, may we always be united in achieving our goal for the benefit of all as well as those who will need our help in the future” mula sa pamunuan ng UFAA. (ni: ARGIE  GABAY)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mommy & Daddy Showdown 2012 hatid ng Guardians Marilag Group

Adoracion Nocturna Filipina , itinatag sa Italya