Tuwing ikalawang Linggo ng Hunyo, ay taunang ginaganap ang celebrasyon ng ating Independence Day sa Piazza Ankara. Sa likod ng taunang tagumpay nito, ay may malaking makinaryong binuo upang maihanda ng maayos ang celebrasyon. Ito ay ang unang unang asosasyon sa pagitan ng Embahada at ng mga Filipino Community heads, ang PIDA o ang Philippine Independence Day Association na nag lalayon, sa pamamagitan ng tulong ng iba’t ibang Committees, na magkaraon ng isang pagdiriwang na gumugunita sa ating nakaraan gayun din ay nag bibigkis sa mga Pilipinong nasa Italya.
Noong nakaraang Huwebes, ika 18 ng Nobyembre ay muling naghalal ng mga bagong officers nito. Si Charisma Coros, bilang Presidente; Lito Viray at Auggie Cruz bilang mga Vice Presidents; Benette Ramirez bilang Secretary; Pye Santos bilang Treasurer; Jessie Ramirez at Elsa Lim bilang mga Directors at Bark Barin, Ronnie Cararvana, Ernest Fonacier bilang mga Auditors.
Thumbs up naman sa mga naunang officers for a job well done!!!