in

Consular Outreach Mission ng Embahada tuloy sa Cagliari

Consular Outreach Mission - Cagliari

Nakatakdang isagawa ng Embahada ng Pilipinas sa Italya ang Consular Outreach Mission sa Cagliari, Rehiyon ng Sardinia, sa darating na May 18 & 19, ng taong kasalukuyan.

Ang nasabing mission na una ng naipalathala sa Fb Page ng Embahada (https://www.facebook.com/PHinItaly) ay gaganapin sa Oratorio ng Simbahan ng Ss. Nome di Maria (La Palma) Cagliari na matatagpuan sa Via Favonio, 2 ‘Quartiere del Sole’.

Ang consular outreach na gaganapin sa Cagliari para sa filipino community ay isang
napakalaking pagkakataon para sa mga kababayan natin na makatanggap ng ibat ibang serbisyo mula sa kinauukulan. Isa itong paraan para mapalawak pa ng Embahada ang paghahatid ng kanilang serbisyosa komunidad
.” saad ni Glenn Tecson, ang bagong Commander ng Knights of Rizal Cagliari.

Inaasahan ko na maipapahatid natin bilang isang comunity – anuman ang ating kinabibilangang grupo – na ang pagdating ng Ambassador ang maging daan at tulay para tayong lahat ay tumugon sa pambihirang pagkakataong ito”, dagdag pa niya.

Matatandaang ang huling Outreach na ginanap sa Cagliari ay noon pang Nobyembre 2022.

Pinapapaalalahan ang lahat na kailangang magpa-appuntamento ang sinumang naghahangad na makakuha ng serbisyo ng Embahada.

Para sa ibang detalye, bumisita lang sa Fb Page ng Embahada at hanapin ang advisory ng Consular Outreach mission in Cagliari. https://www.facebook.com/media/set/?
vanity=PHinItaly&set=a.835474651950392
. (EO

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Dalawang Mahalagang Okasyon, sa Pagdiriwang ng Filipino Food Month sa Roma

June 8-9, 2024:Election Day sa Italya!