Dalawandaang (200) mga Pilipino ang nabigyang serbisyo sa ginawang consular outreach ng Embahada ng Pilipinas.
Reggio Calabria, Nobyembre 5, 2015 – Ang Embahada ng Pilipinas sa sa pakikipagtulungan ng Philippine Consulate sa Palermo at Italia-Filippine Association kasama ang Knights of Rizal at Forza Fillipine Association ay naisagawa ang consular services sa Reggio Calabria nitong Oktubre sa Palazzo della Provincia, Via Spirito Santo Secondo Tronco.
Ang anim na miyembro ng consular team ng Embahada ay nakapag-proseso ng 290 passports, 30 reports of birth at 204 new overseas voters. Pinamunuan naman ni Vice Consul Margaret Malang ang Oath of Allegiance for Dual Citizenship Reacquisition ng 12 mga naturalized Italian citizens.
Samantala, ang Philippine Consulate ng Palermo sa pamumuno ni Consul Antonio di Liberto, ang Philippine Labor Office, SSS, Pag-Ibig at sa tulong ng mga boluntaryo ay maayos na nabigyang serbisyo ang halos 200 mga Pilipino sa ginawang consular outreach.
Lubos ang pasasalamat ni Gherly Fernandez, ang kasalukuyang presidente ng Italia-Filippine Association, sa tulong at mainit na pagtanggap ni President Antonio Eroi ng Provincia di Reggio Calabria at kay Dott. Domenico Creazzo na tumayong sponsor ng mga volunteers at sa lahat ng mga volunteers buhat sa KOR sa pangunguna ni Domenico Marciano at Delia Abarintos, Abelardo Santiago at Angela Santiago, Dennis Fernandez, Willy Aliazas, Romy Lafuent, Gregorio Abarintos, Monte Villanueva at Lucila Sorza; sa presidente ng Forza Filippine Association na si Mr. Ness Cosino kasama sina Boc Maramot, Arthur Cosino, Anna Silang, Waldo Macalintal, Rhey Rebudal; sa presidente ng Filcom Reggio Dingdong Sibayan at Edith Sibayan at sa Presidente ng Filippino Community Association South Italy (na dating Mission Driven International South Italy 1)Carmen “Menchu” Perez kasama sina Ivan Chris Suelila, Ian Chris Suelila at Madelaine S. Pascual.
ni: Carmencita Suelila
larawan: PERome