in

Consular Service ng Embahada sa Roma, magbubukas sa Oct 18, araw ng Linggo

Magbubukas ang Consular Section sa araw ng Linggo Oct 18, bilang tugon sa kahilingan ng mga Migrant leaders sa ginawang forum kamakailan.

 

Roma, Oktubre 1, 2015 – Magbubukas ang Consular Section ng Embahada ng Pilipinas sa October 18, mula alas 10 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon (no lunch break).Sa araw na ito ay normal na ipo-proseso ang renewal o issuance at maging extension ng mga pasaporte, ang notarial service pati na rin ang overseas voting registration.

Ito ay ang mabilis na pagtugon ng Embahada sa ilalim ng pamumuno ng butihing Amabassador ng Pilipinas sa Italya, H.E. Domingo Nolasco matapos ganapin kamakailan ang kauna-unahang forum ng mga Pilipino sa Roma.

Kaugnay ng naging mainit na talakayan ukol sa maraming pangangailangan at hinaing ng mga overseas Filipino workers sa kapital, sa pagitan ng mga dumalo na tinatayang higit sa 50 kataong pawang mga aktibo sa komunidad, at mga namumuno ng Embahada, partikular ang naging kahilingan ng mga dumalo ukol sa pagbubukas ng Consular section sa araw ng linggo.

Bukod sa mga part timers, ay higit na nahihirapan ang ating mga kababayang naka live-in sa pag-proseso ng kanilang mga dokumento. Hindi sapat ang kanilang ‘riposo’ para sa kanilang pangangailangan’, ayon pa sa mga dumalo.

Tulad sa SriLanka, Greece, Hongkong at South Korea, kahilingan din ng mga Migrant leaders sa Roma, ang posibilidad ng pagbubukas ng Consular Service sa araw ng linggo upang matiyak din ang serbisyo pati sa mga nahihirapang magpunta ng Embahada tuwing working days.

Malinaw namang naipaliwanag ng Embahada ang kanilang paghahanda para sa mga outreach programs sa Italya dalawang beses isang buwan kung kaya’t nakatutok diumano ang mga ito sa mga nangangailangan ding Pilipino sa ibang bahagi ng Italya tuwing weekends.

Sa kabila nito, ipinangako ni Ambassador Nolasco ang pagbubukas ng Embahada maging sa araw ng linggo, bukod pa sa mga ginagawang forum sa Social hall nito. Kanyang binigyang-diin na bilang simula, ay susubukang magbukas lamang muna ng isang araw ng linggo. Ito ay upang masuri rin ang bigat ng pangangailangan ng mga Pinoy sa Roma.

Kaugnay dito ay inaasahan ang pagtugon ng mga Pilipino sa Roma na higit na nangangailangan sa pagbubukas ng Embahada sa darating na Oct 18 sa pagproseso ng kanilang dokumento bilang pagtangkilik at pagbibigay-halaga sa unang tugon ng Embahada na inaasahan ng marami na magpapatuloy pa.

Kabilang din sa mga tinalakay ang kasalukuyang serbisyo ng Embahada ng Pilipinas (na isa-isang iuulat ng Ako ay Pilipino) tulad ng Consular Services, Passport extension, Overseas Voting Registration, ang ATN o Assistance to Nationals at ang Middle name issue gayun din ang mga serbisyo ng attached agencies tulad ng Polo (Philippine Overseas Labor Office), ang OEC, ang Work Contract Verification and Authentication, OWWA membership, PAG-IBIG Overseas Program at Social Security Service (SSS).

Hindi ito ang huling forum. Para sa mas malalim na talakayan ukol sa ATN, Consular services, OAV at existing OWWA policies ay inaanyayahan ang lahat sa November 8 mula 1:30 pm hanggang 4:00 pm sa Sentro Filipino Chaplaincy, Via Urbana’, pagtatapos pa ni Ambassador Nolasco.

 

ni: PGA

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

23 Sportello Unico per l’Immigrazione, magsasara

Request ng reimbursement sa labis na bayad sa permit to stay, sinimulan ng mga imigrante