Limang daang passport renewal, bukod pa sa ibang sebisyo tulad notarials ng SPA at affidavits, NBI, dual citizenship at PAG-IBIG, SSS at OWWA memberships and payments. Pati na rin ang postal voting ng OAV kung saan higit isang daan (100) botante ang bumoto sa para sa Election 2016. Lahat ng ito sa isinagawang Consular Service Program sa Palermo.
Palermo, Abril 12, 2016 – Matagumpay na isinagawa ang taunang Consular Service Program ng Philippine Embassy Rome sa Palermo noong ika-9 hanggang 10 ng April 2016. Mahigit isang libong Filipino ang dumalo hindi lamang mula sa Palermo kundi maging sa ibang siyudad tulad ng Messina, Catania, Agrigento, Ragusa, Enna, Reggio Calabria at Catanzaro.
Nakapag-proseso ng higit kumulang limang daang (500) passport renewal bukod pa sa ibang sebisyo tulad notarials ng SPA at affidavits, NBI, dual citizenship at PAG-IBIG, SSS at OWWA memberships and payments. Isinunod din ng embahada ang postal voting ng Overseas Absentee Voting at higit isang daan (100) botante ang bumoto sa para sa Election 2016.
Sa okasyong ito ay dumalo din sa kauna-unahang pagkakataon mula ng siya’y itinalaga bilang ambassador ng Philippine Embassy Rome, si His Excellency Domingo P. Nolasco.
Sa kanyang dalawang araw na pagbisita ay nakipagdaop-palad at nagsagawa ng meeting sa mga Filipino community leaders mula sa iba’t ibang siyudad ng South Italy. Tinalakay niya ang kanyang mga importanteng gawain bilang ambassador para mai-angat ang imahe ng Pilipinas at mga Filipino sa Italya. Dininig din niya ang boses ng iba’t ibang leaders at ang kanilang mga suhestiyon o hinaing ukol sa kani-kanilang mga komunidad. Nangako naman ang Ambassador na gagawin niya ang lahat para matugunan at mapaganda pa ang serbisyo ng embahada hindi lamang sa mga Filipino sa Timog kundi sa buong Italya.
Ang Embassy team mula sa Roma ay pinangunahan ni Consul General Leila Lora Santos at ang POLO/OWWA team ay pinangunahan naman ni Welfare Officer at POLO/OWWA OIC Hector Cruz.
Ang proyektong ito ay isinagawa sa koordinasyon ng Philippine Consulate ng Palermo na pinangungunahan ni Consul Antonino di Liberto at ngayong taon sa pakikipagtulungan ng Philippine Don Bosco Association sa pangunguna ng president nito na si Armand Curameng.
“I am very contented of the positive outcome of this Consular Service in Palermo, and more contented in the visit of our beloved Ambassador Domingo Nolasco. I hope that the meeting we had with the Ambassador and the different community leaders will lead us to a harmonious and better service to the Filipinos.” pagtatapos ni Di Liberto.
ni: Armand Curameng