in

CONVENTION SA ROMA, GAGANAPIN

Upang maging malinaw para sa lahat ang naging mainit na paksa noong nakaraang taon, ang Circular 29 o lalong higit na kilala sa ‘cancellation of middle name in all italian documents’ , ay gaganapin sa darating na ika-20 ng Enero, Huwebes sa ganap na 3pm sa Aula Magna ng Sacro Cuore Church sa Via Marsala ang isang convention upang muli ay talakayin ang malaking pagbabagong ito sa mga Italian documents ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga tagapag salita ay ang kinatawan ng Minitry of Interior, ang direktor ng Ufficio Anagrafico sa Roma at kinatawan mula sa Embahada ng Pilipinas ang maaaring sumagot sa mga katanungan .

Inaanyayahan ang lahat ng Pilipino di lamang dito sa Roma pati na rin sa mga lugar kung saan ay ginagamit hanggang sa kasalukuyan ang middle name kadugtong ng first name.

Ito ay isang inisyatiba ng mga konsehal na Pilipino at ng ilang Filipino leaders sa Roma.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

NURSERY SCHOOL ENROLLMENT, DEADLINE SA FEB 12

PAGTAAS NG PRESYO, SALUBONG SA BAGONG TAON!