Importante ang presensiya ng mga kinatawan sa convention – Consiglieri Aggiunti sa Roma
Ang pinaka hihintay na convention sa Jan 20 sa Roma ukol sa pinakamainit na isyu ng taon, ang Circular 29 o ang pagtatanggal ng middle name sa lahat ng italian document ng mga pinoy ay hindi matutuloy. Ito ay dahil sa isang komunikasyon mula sa Ministry of Interior kung saan nasasaad ang kanilang hindi pagdalo dahil sa mga naunang commitments nito. Ang kinatawan naman ng Ufficio Anagrafe ay magpapadala lamang ng kanilang tagapagsalita.
Sa kasalukuyang sitwasyon na wala pa rin ang pinaka hihintay na ‘regolamento di attuazione’ na maglilinaw ng tunay at iisang aplikasyon ng pagtatanggal ng nasabing middle name sa buong bansa ng Italya at minabuti ng organizer na ipagpaliban ang nasabing convention. Patuloy ang mga pagpupulong ng mga konsehal kasama ng Embahada upang i-follow up ang hinihinging dokumentasyon sa mga awtoridad at inaasahan ang patuloy na kolaborasyon ng Italian public offices sa ikalilinaw ng naka pending na sitwasyon ng mga Filipino.
Inaasahan na ang magaganap na convention ay maaaring sumagot sa maraming katanungan ng ating mga kababayan gayun din, ang pagkakaroon ng malinaw na indikasyon sa ating mga kababayan ng dos and don’ts sa pagtatanggal na ito ng ating middle name.