in

Covid19, hindi umuubra sa Bayanihan ng mga Pilipino sa Italya

Buhay na buhay ang Bayanihan ng mga Pilipino sa Italya sa panahong matindi ang pangangailangan ng bawat isa dahil sa covid19.

Kahit mahirap, sinusuong ng mga Pilipino ang panganib maiabot lamang ang tulong sa mga kababayan.  Hindi din alintana ng mga volunteer ang pagod at mga check point para tiyakin may maihahapag sa lamesa ang bawat pamilya na nangangailangan

Sa Cuneo, halos tatlong libong euro na ang katumbas ng naipamigay na tulong sa may 30 pamilya. Personal itong inihahatid ni Ricky Enorme sa kanyang mga kapwa Pilipino. Sabi ni Ricky “extension na ng refrigerator namin ang kanilang tahanan”. Supot-supot na karne ng baka at baboy ang laman ng kanilang ipinamimigay. 

Sa Bologna, mga tinahing face mask naman ang kanilang tulong para sa mga frontliners na nagtatrabaho sa sektor pangkalusugan. Bagama’t aminado ang ALAB at FWL na hindi ito rekomendado tulad ng N95 mask na mabibili sa mga botika, sa mga tumangkilik nito, nakakaramdam sila ng proteksyon at kagalakan. At sa panig naman ng mga nagtatahi, isa itong adbokasiya. Kapwa sa kapakanan panlipunan at kalusugan. 

Sa Torino, umalingawngaw ang Acfil Covid Initiative na sa ngayon ay nakapamigay na ng 100 food packs sa 100 pamilya o 350 indibidwal mula sa kanilang banco alimentari. Nagsimula ito na magsagawa ng survey sa miyembro ng kanilang samahan aniya ni Rosalie Bejade, ang presidente ng Acfil Turin. Sa susunod na linggo, ay may 250 pamiya ang makakatanggap na naman ng mga food packs. 

Dahil dito, bumuhos ang suporta ng mga Italyano na nakarinig ng ganilong bayanihan. Umabot na rin sa € 1,170 ang pumasok na onasyon sa Asosasyon. “Nakipag-ugnayan kami sa Protezione Civile ng Torino, nagpa-acredit para malasunod kami sa alituntunin na ipinattupad sa ilalim ng lockdown”, pahayag ni Rosalie sa Ako ay Pilipino ng tanungin ito hinggil sa panganib ng check point.

Sa Firenze, nakapagpamahagi na rin si Renz Ortega, Bise Presidente ng Confederation ng 20 food packs na nagmula nama sa Caritas at Red Cross.

Sa Napoli, gatas naman ang ipinamimigay ng Comunità Filippina di Napoli e Campagna sa mga pamilya. Nakita ng grupo na makakatulong ito para palakasin ang katawan laban panlaban sa Covid19.

Sa Modena, abalang-abala naman ang grupo ni Dennis Ilagan ng Eagles Club sa paghahatid ng mga ipinakibili ng kanilang mga kasamahan at kababayan na walang kakayanan lumabas ng kanilang mga tahanan. Maging ang ilan sa mga nag-positibo ng covid19 ay kanila ding inaasisitihan.

Samantala, sa buong Italya, tuluy-tuoly ang Task Force Covid19 Ofw Watch kasama ang GE Italya Legion sa pangangalap ng makabuluhang impormasyon, pagsasalin sa tagalog ng mga anunsyo at direktiba mula sa Gobyerno ng Italya, sensus at rekomendasyon kapwa sa Gobyerno ng Pilipinas at Italya.

Kakaiba talaga ang mga Pilipino pagdating sa damayan. Sa panahon ng krisis at kagipitan, pinapatunayan nito ang tunay na diwa ng bayanihan. Walang pinipiling pagkakataon, walang kinikilalang panganib. (Ibarra Banaag

Basahin din:

Ilang pamilyang Pinoy sa Roma, nakatanggap ng grocery supply mula sa Fukyo Protezione Civile

Grupong “Good Samaritan”, nagbigay ayuda sa mga OFW sa Milan

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Regularization para sa mga undocumented”, panawagan ng CGIL

Insurance ng mga sasakyan, extended ng 30 araw ang validity