in

Crowdfunding, inilunsad ng anak para sa repatriation ng yumaong na ina sa Roma

“I will do everything possible to bring her back so I can see her and kiss her and give her a decent burial”, Rome John Maramot Baculo. 

 

 

Roma, Abril 27, 2016 – Isang panawagan online ang kasalukuyang kumakalat sa social network. Ito ay ukol sa kahilingan ng tulong pinansyal o crowdfunding buhat sa isang anak na nais mayakap sa huling pagkakataon ang kanyang Ina, isang Ofw sa Italya.

Ang liham, sa pamamagitan ng youcaring, ay buhat kay Rome John Maramot Baculo, 22 anyos, ipinanganak sa Roma at kasalukuyang nasa Pilipinas at anak ng yumaong na ofw sa Roma. 

Ayon sa liham ng binata, hindi umano naging madali ang naging buhay ng mag-anak sa Italya. Ang paghahangad ng magandang buhay ay nauwi sa paghihiwalay ng kanyang magulang at ng kanyang pag-uwi sa Pilipinas sa edad na 7 taong gulang sa pag-aaruga ng kanyang lola. 

Labinlimang taon na umano ang lumipas ng huli nyang makasama ang ina at ang pangarap na muling maramdaman ang init ng yakap nito ay huli na. 

I have always longed for the day when I would see my mother and hold her and feel her tender love. This was not meant to be” ayon kay Rome John sa kanyang liham.

Dahil umaga ng April 22 nang kumalat ang nakakagulat na balita ukol sa pagpanaw ng isang Pilipina sa Roma. Si Miriam Maramot, 44 anyos ang ina ni Rome John ay natagpuang patay sa kanyang kwarto sa bahay ng employer nito sa Parioli.

Ayon sa isa sa malapit na kamag-anak ng yumao, dumaing umano ng sakit ng ulo si Miriam, Huwebes ng gabi sa employer nito. Dahilan upang manatili sa bahay ng amo at hindi lumabas at tumuloy sa apartment sa Via Cassia. 

Ang employer, kung saan naka-live in ng dalawang taon na, ay napilitang puntahan ito sa kanyang silid Biyernes ng umaga dahil sanay umano ang mga ito na maagang nag-aayos si Miriam makalipas ang kalahating araw na day off tuwing Huwebes. 

Sa kasamaang-palad, ang malamig na bangkay ni Miriam ang natagpuan ng employer. 

Mabilis na ipinagbigay-alam ito sa kanyang matalik na kaibigan at malalapit na kamag-anak matapos tumawag ng ambulansya at medico legal. 

Dumating din ang asawa nito buhat pa sa Modena Italy.

Mabilis na kumilos at nakipag-ugnayan ang mga kaanak sa kinauukulan tulad ng Embahada para sa ATN (Assistance to Nationals) fund. Sa kasamaang palad, hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin ang Embahada ng kasagutan buhat sa DFA ukol dito.

Dalawampu’t limang taon na si Miriam sa Italya ngunit sa kasamaang-palad ay kasalukuyang walang balidong dokumento (permit o stay at pasaporte). 

“I was only 7 years old when I last saw her and I will do everything possible to bring her back so I can see her and kiss her and give her a decent burial. I am appealing to your generous and compassionate hearts to make this happen. The government will not give financial assistance to expatriates who continue working after their contracts have expired and my mother was one of them. Any amount of help you can give will go a long way towards the transport of her body from Rome to Mindoro and for the funeral expenses. They will be greatly appreciated and forever remembered. I have nothing to offer in return except my undying gratitude and my prayers for God’s blessings to you and your family“, pagtatapos ng liham ni Rome John sa petition online. 

Kasalukuyang hinihintay ang resulta ng autopsy ng pagkamatay ni Miriam. 

Nagkakahalaga ng 3,500 euros ang repatriation of human remains sa Pilipinas mula Italya. Sa mga nais pong tumulong, mangyaring makipag-ugnayan sa naulila sa pamamagitan ng Compassionate Crowdfunding Youcaring. 

 

ni: PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong pamantayan ng Regularization upang suriin muli ang mga aplikasyong tinanggihan

Karagdagang 3 euros para sa releasing at renewal ng mga permit to stay