in

Dalawang Azkals players, suspendido

altDalawang players ng Azkals ang suspendido. Sina Fil-British James Younghusband at ang Fil-Spanish Angel Guirado matapos magkaroon ng dalawang yellow cards sa group stage eliminations.

Ayon sa regulasyon ng torneo, ang sinumang playe­r na nabigyan ng ikalawang yellow card o nasipa sa laro dahil sa red card ay awtomatikong suspendido sa susunod na laro.

Sa kaso ng dalawang Azkals players, nakuha ng dalawa ang ikalawang cautions sa krusyal na 2-1 win ng Azkals kamalawa laban sa Tajikistan Lions sa huling laro sa Group B elims.

Nanga­ngahulugan ito na hindi makakatapak sa pitch ng Dasarath Rangasala Stadium sina Younghusband at Guirado para lumaban sa semis simula alas-4:30 ng hapon (Manila time).

Unang nataasan ng yellow cards sina Young­husband (20th minute) at Guirado (88th) sa 2-0 loss ng Azkals noong nakaraang Biyernes laban sa defending champion North Korea Chollima, na karibal ang Palestine sa isa pang semis pairing.

Nakaligtas mula sa suspensyon ang iba pang nakakuha ng tig-iisang yellow cards na sina Fil-British goal keeper Neil Etheridge (37th) laban sa NoKor, Paul Mulders (42nd) at Jason Sabio (88th) kontra India at sina Ray Jonsson (78) at Juan Luis Guirado (52) sa Tajikistan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dayuhang hindi regular sa Italya, bumaba sa bilang

“Carta blu” ang super permit to stay para sa mga qualified o skilled laborers