in

Dalawang Italyano, bilanggo dahil sa hate crime

Rome, Hulyo 12, 2012 – Dalawang Italians ang hinatulan kahapon, Miyerkules, Hulyo 11 sa Milan, ng dalawang taon at tatlong buwang pagkabilanggo dahil sa ilang mga 'pagsalakay' ng mga ito dahil sa galit laban sa mga Pilipino o rasismo.

Sa kalagitnaan ng proseso, kung saan tatlong mga pinaghihinalaang salarin ay na-absuweltado, ay napag-alamang ilang serye ng mga pag-atake ang naganap noong 2007, na tila umanong mga pagparusa laban sa ilang kabataang Pilipino na madalas na tumatambay sa plasa Prealpi at sa parko ng Via dei Frassini, sa sentro ng Milan.

Ang sentensya ay iginawad ng hukom na si Marco Formentin, matapos ang mga pagsisiyasat sa krimen ng tagausig na si Piero Basilone.

Hinatulan ng dalawang taon at isang buwang pagkakabilanggo si Giorgio Pignoli, pizza chef , 54 anyos sa panunulsol ng mga ‘aksyong' racially motivated’, habang ang kasabwat na si Francesco Zagari, 24 taong gulang ay hinatulan ng dalawang taon at tatlong buwang pagkakabilanggo.

Si Zagari ay hinatulan ding magbayad ng mga danyos sa isa sa naging biktima.

Ang unang salarin ay hinatulan nooong 2011, samantalang ang mga menor de edad naman ay hinatulan ng juvenile court. Maraming nakatakas at hindi nakilalang mga kabataan sa naganap na krimen.

Ayon sa mga pagsisiyasat ng tagausig Basilone, sa pagitan ng buwan ng Mayo at Hunyo 2007 ay inatake ng mga Italyano ang 13 kabataang Pinoy gamit ang kadena, tubo at mga baseball bat. Sa ilang pagkakataon ay ginamit rin ang patalim.

Inakusahan ng hate crime (racially motivated), illegal firearm possession, assault with injury crime ang mga nagkasala.

Ang pizza chef, matapos ang ilang linggo ng pagtatago ay sumuko sa awtoridad noong Marso 2008.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pilipino, pinakamalaking komunidad sa Milan

Malacañang declares July 13 a National Day of Remembrance for Dolphy