in

Dalawang Pinoy, arestado dahil sa shabu

Ang dalawang Pinoy kasama ang isang Nigerian ay inaresto matapos mahulihan ng shabu. 

 

 

Inaresto ng carabinieri ng Pordenone ang dalawang Pilipino at isang Nigerian matapos mahulihan ng ipinagbabawal na gamot o shabu. 

Kamakailan, sa via Vecchia di Corva, Pordenone ay namataan ng mga pulis na nagpa-patrol ang dalawang Pilipino: P.G.R. 47 anyos at A.G.G. 33 anyos kasama ang isang Nigerian na 29 anyos na nakatambay malapit sa isang naka-park na kotse. 

Ayon sa report, matapos mapansin ng tatlo ang pulisya ay mabilis na sumakay ng sasakyan upang makalayo na tila mga takot at may itinatago. 

Ang kahina-hinalang kilos na ito ang nagtulak sa awtoridad na sundan ang tatlo. Pinahinto ang sasakyan, kinontrol at kinapkapan. 

Pati na rin ang kanilang sasakyan ay sumailalim sa masusing kontrol ng pulisya. Sa paghahanap ay nakitang nakatago sa dashboard ang dalawang maliit na plastic container kung saan sa loob nito ay natagpuan ang halos 65 grms na naka-paketeng shabu. 

Ayon sa awtoridad, kada gramo ng shabu ay nagkakahalaga ng humigit kumulang na €100 at sapat ng maramdaman ang epekto ng shabu sa 0.1 gramo nito. Tinatayang aabot sa 640 dosages ang nakuha ng awtoridad at nagkakahalaga ng €6400. 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Araw ng day off, Linggo lang ba?

Mga kabataan sa GaLa foundation, hinandugan ng RAM-IE