in

Dalawang Pinoy, arestado sa Tibus bus station

Panibagong kaso ng pagaresto sangkot ang dalawang pinoy ang naireport kumakailan. Ayon sa ulat, dalawang 32-anyos na pinoy ang hindi nakaligtas sa pagsuyod ng mga awtoridad sa mga delikadong lugar sa Roma.  Ang dalawa ay pareho ng may mga kaso kaya kilala na ng mga kapulisan dahil sa rekord ng mga ito. Nahulihan ang dalawa ng ilang dosages ng shabu na pinaghihinalaang nakahanda ng ipamahagi sa kanilang mga suki. Nakuha rin sa mga ito ang isang balisong at isang maliit na palakol. 

Bandang hapon noong unang araw ng buwan ng hunyo nang mapuna ng mga naka sibilyan na pulis na nagroronda sa Largo Guido Mazzoni ang dalawang suspek na palingon-lingon at tila hindi mapakali kung kaya’t kanila umano itong nilapitan.

Matapos makuha ang mga pangalan ng mga ito at makumpirma na may mga hindi magandang rekord ay kanilang ininspeksyon ang mga bulsa at mga dalang gamit.

Hindi umano makapagsalita ang dalawa at waring nagaatubiling isuko sa mga alagad ng batas ang kanilang mga dala-dalang bags. Dito lalong nagduda ang mga pulisna may itinatago ang mga ito. Bakas na rin umano sa mukha ng mga nahuli ang pag-aalala bago pa man tuluyang maisurrender ang kanilang mga kagamitan. Nang buksan ang kanilang mga bag ay  dito na nga nakita ang mga ipinagbabawal na gamot na nakarepake na,  at ang dala-dalang matutulis at matalas na sandatang dala ng mga ito. Napag-alaman na ang dalawa ay nakarating sa Roma sakay ng bus mula sa Milano. Bumaba ang mga ito sa Tibus bus station kung saan  pinaghihinalaang may mga kasabwat pa ang mga ito na tatagpuin.

Agad na dinala ang dalawa sa caserma ng mga Carabinieri ng Nucleo Operativo della Compagnia Roma Centro at sinampahan ng kaukulang kaso.

Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Undocumented Pinay, maaaring magpakasal sa Italya?

Mga Dapat Malaman tungkol sa sakit na Altapresyon o Hypertension