Dalawang Pilipinong may pangunahing role sa Italian film na ‘Se Chiudo Gli Occhi Non Sono PIù Qui’ ang humarap sa madla noong ika-11 ng Nobyembre sa Auditorium Parco della Musica para sa premiere night ng pelikula. Sa direksyon ni Vittorio Morroni, ang pelikula ay shortlisted para sa Alice Nella Città sa ika-8 Rome International Film Festival. Makalipas ang 4 na taong paghahanda ng pelikula, hindi maiwasan ang magkahalong kaba at saya ng dalawang bidang Pinoy na sina Mark Benedict Manaloto at Hazel Morillo na pawang mga baguhan sa larangan ng pag-arte.
Sa Sala Santa Cecilia, buong pagmamalaking ipinakilala ng direktor ang buong cast at halos mapaiyak sa mahabang standing ovation ng publiko matapos ang pelikula.
Sa pelikulang ito, si Kiko (Mark) ay anak ni Marilou (Hazel) sa isang Italyano. Nang mamatay ang kanyang ama na si Jacopo, nagkaroon ng panibagong kapisan ang kanyang ina. Si Ennio (Beppe) ay siyang may-hawak ng mga ilegal na trabahador mula sa ibang bansa para sa kanyang construction site. Si Kiko ay nagtatrabaho kasama ng mga ito habang nag-aaral. Nang siya ay nagdesisyon na mamalagi sa isang abandonadong bus, doon niya nakitang muli ang dating kaibigan ng kanyang ama na siya namang kanyang inaasahan na magbabago ng takbo ng kanyang buhay. Kasama rin sa pelikulang ito ang 12 anyos na si Kim de Quilla bilang ang batang Kiko.
Sa isang exclusive interview ng Ako Ay Pilipino, buong pagmamalaking ikinuwento ng mga bida ang kanilang mga naging karanasan habang ginagawa ang pelikula.
Ipinanganak sa Roma ngunit lumaki sa Pilipinas si Mark na nagbakasakali sa isang audition. “Sa una pa nga po hindi po ako naniniwala na naghahanap sila ng Pilipino para maging bida sa isang pelikulang directed by an Italian. Parang napakaimposible. Hanggang isang araw ay nakasakay ko sa autobus ang isang Pilipina na nagbigay sakin ng pubblicità tungkol sa audition. Doon na po ako naniwala. Sabi po sa akin ay subukan ko daw at bilisan ko dahil last day na ng audition. Nag-audition po ako kasama po mga iba pang Pilipino. Nagkaroon po kami ng tatlong meeting; una ay tinanong kami about personal information. Second nagdrama na kami, binigyan kami ng copione. Third, dun ko po nameet si Ate Hazel dahil pinagdrama nila kaming dalawa sa isang scene. Hanggang sa nagulat ako sa kanilang tawag na tanggap ako dahil hinde naman po ako pogi..(hehehe). Hindi rin po ako kumuha ng acting lessons. Feeling blessed. Halo halo na po ang emosyon noon”, sayang kwento ni Mark. Ayon pa sa batang aktor, ay nagkaroon sila ng intense workshop and training upang mahubog ang kanilang skills at mas makilala ang kanilang mga characters. Bagaman napakahirap “That was a great experience.”, dagdag pa ng aktor. “Natutunan ko po sa mga senior actors ang maghanda physically and mentally bago magshooting, basahin ng paulilit ang script para mamemorize at para maka-catch ang essense ng scene. And the most important is to be yourself. Don’t pretend to be someone else, put something to the character that will make your character interesting and unique. I feel blessed po at nagkaroon po ako ng chance na makatrabaho, makasama, makakwentuhan, makilala ang mga dekalidad na mga aktor kagaya nila Beppe Fiorello & Giorgio Colangeli. Marami po akong natutunan sa kanila”. Binigyang-diin ni Mark sa panyam ang prinsipyo ng mga Pilipino; ang kahalagahan ng pamilya, ang kahalagahan ng edukasyon at ang katatagan ng mga Pilipino na handang harapin kahit na anong suliralin ng buhay para sa pamilya. Maging ang kultura, ang lingwahe at ang pagkaing Pilipino ay itinampok din sa pelikula na dapat panoorin di lamang ng Filipino community bagkus pati na rin ng mga Italians.
Si Hazel ang inang si Marilou sa pelikula, ay residente sa Ancona at dating isang hairdresser sa isang sikat na parlor doon. Pinaniniwalaan ni Hazel na ang naging pagpili sa kanya ay isang karangalan. Isang paraan upang maipakita sa bansang Italya ang angking talento ng mga Pilipino sa pag-arte. “Marilou, è un personaggio che mi sono trovata subito in simbiosi, è una madre che nonostante abbia avuto nella vita delle difficoltà ha affrontato la vita con la forza e coraggio per amore del figlio. Una donna con un carattere sensibile ma nello stesso tempo forte, ha combattuto tanto per l'amore del figlio e del nuovo compagno che Kiko non riesce ad accettare. Credo comunque che qualsiasi madre avrebbe fatto la stessa cosa di Marilou, ma nello stesso tempo oltre ad essere una madre è anche una donna. Sentire un attrice filippina in Italia non è di tutti giorni, quindi l'orgoglio per noi è ancor di più. E' sicuramente giusto e nostro orgoglio far conoscere la bellezza della nostra cultura”, ayon kay Hazel. Aminado rin siya na dahil masyado na siyang ‘Italianized’ ay naging mas challenging sa kanya ang pagganap bilang Pilipinang ina ni Kiko sa pelikulang ito.
Si Kim de Quilla ay ang batang Kiko sa pelikula. Sa kwento nang kanyang inang si Elisabeth, sa isang di-inaasahang pagtatagpo sa isang tabaccheria ay nakilala ni Vittorio Moroni ang 12-anyos na si Kim. Sinundan sila hanggang sa bus stop at dun nagpakilala na siya ay naghahanap ng artista at kumbinsido siyang angkop na angkop para kay Kim ang role. Hindi pa rin makapaniwala ang ina sa swerteng pagkakasama ni Kim sa Italian film na ito pero si Kim naman ay pinatunayan na karapat dapat siya sa role dahil walang naging problema sa shooting kahit wala pang karanasan sa pag-arte.
Para sa direktor ng pelikula na si Vittorio Morroni, nais niyang maging taga-Asya si Kiko. Sa pagpili ng imigrante para sa pelikula, nais ng direktor na magmula ito sa isang komunidad na malaki ang kaibahan ng kultura kumpara sa kanilang mga Italyano. Namili siya kung taga Timog Amerika o Asya ngunit alam niyang sa simula pa lamang na tama lamang na magmula sa Asya ang kanyang bida. Isa ring fan rin Manny Pacquiao, kaya’t ginusto rin ni Vittorio na magmula ang kanyang bida sa isang komunidad na matagal nang naninirahan sa Italya, komunidad na kilala at iginagalang at bukas mixed marriage tulad ng karate ni Marilou at ng asawa nito.
“So the story goes on with the misunderstanding of the mother who doesn’t want to leave Ennio and the son Kiko who wants a better life with her mother and not with Ennio until one day a mysterious man, Ettore, will help Kiko to face his problem. And this man keeps a big secret. What? Watch the film…”, patuloy na pag-aanyaya ng mga bida. “Ang masasabi ko sa lahat ng mga Filipino artists ay continue to pursue your dreams, never give up. In God's perfect time makakamit nyo ang inyong pinapangarap. At most important is work hard with your craft and don’t hesitate to show it kasi iba talaga ang tatak pinoy. Galing sa puso”, pagtatapos ni Mark kasabay ng malugod na pasasalamat sa lahat ng dumalo at nanood ng kanilang premiere night. (ulat at larawan ni Jacke de Vega)