in

Dalawang Pinoy mula Italya, kasama sa National Philippine Indoor Hockey Team na sasabak sa SEA Games 2019

Bukod kay Christian Rontini mula Florence Italy, ay kabilang din sa halos 10,000 atleta na sasabak sa 30th Southeast Asian Games 2019 ang dalawa pang kabataang dugong Pinoy mula sa Italya.

Sila ay sina Kyle Ronniel Lanting, 21 anyos, mula sa Roma at Agostino Alfieri, 21 anyos mula sa Torino, parehong kasama sa National Philippine Indoor Hockey Team.

Anak nina Fernando M. Lanting at Lucia M. Opeña, dumating sa Italya ng early ‘90s, ang purong dugong Pinoy na si Kyle ay 10 taon ng naglalaro ng hockey at naglalaro din sa Serie A2, SS Lazio Hockey. Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng kursong Energetic Engineering sa Universita di Sapienza Roma si Kyle. Kapag may free time ay nagtututor sya sa mga Italian students ng Mathematics, Physics at Chemistry.

Si Agostino naman ay nag-iisang anak ng Pinay na si Ofelia Andrada at ng Italyanong si Angelo Alfieri. Sya ay simulang naglaro ng hockey elementarya pa lamang at sa kasaluluyan ay naglalaro sa Serie A2, HCU Rassemblement Torino. Kasalukuyang nasa ikalawang taon ng Materials Science and Engineering sa Università di Torino.

Bilang mga magulang ay masyado kaming proud as Pinoy, lalo pa’t ang anak namin ang magrerepresent ng Pilipinas. Nakakatuwa kasi ang ganda ng mga nararanasan niya bilang member ng team”, masayang kwento ng mga magulang ni Kyle sa Akoaypilipino.

Gusto nya laging may bagong natututunan at experience kaya siguro hindi sya nagdalawang isip na harapin ang bagong oportunidad na ito” ayon pa sa mga magulang ni Kyle.

Buwan ng Agosto, matapos yayain ni Agostino si Kyle na sumulat at magpakilala sa Philippine Hockey Team ay lumipad ang dalawa papuntang Pilipinas para sa isang linggong try out doon.

At dahil sa hindi maikailang husay ng dalawa ay ganap na nabuhay ang kanilang dugong Pinoy nang naging opisyal na bahagi ng National Philippine Indoor Hockey Team at  sa nalalapit na pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas sa Sea Games 2019.

Masayang masaya ang dalawa ng malamang natanggap sila. At lalong naging excited noong pinag-book na sila ng flight”.

Muling lumipad pa Pilipinas ang dalawa noong Nov 10, ngunit sa pagkakataong ito ay para magensayo na kasama ang buong team. Pansamantalang nanatili sa isang hotel kung saan sila tumigil hanggang Nov. 24 at Nov 25 ay lumipat sa Trace College sa Los Banos kasama ang buong grupo bilang paghahanda sa nalalapit na Sea Games.

Nagpahiwatig ang dalawa ng lubos na kaligayahan at paghahanda sa malaking oportunidad na ito sa pamamagitan ng kanilang posts sa social media.

It’s the National Philippine Indoor Hockey Team. Proud to be a part of this amazing family and eager to give my best in our future competitions.  Una menzione speciale per la laziohockeyprato, la mia altra famiglia, che mi ha aiutato a crescere ed in parte ha reso possibile tutto ciò. Fiero di portare un po’ di lazialità anche all’estero”, mababasa sa post ni Kyle.

Quasi tutto pronto! Manca davvero poco…Stiamo lavorando duramente e non vediamo l’ora di scendere in campo!”, mababasa naman sa post ni Alfieri.

Kaugnay nito, ipinagmamalaki rin ng Hockey Italia ang mga binata at inaasahan ang hatid na galing ng dalawa sa national team. Ang kanilang bagong karanasan ay malaki umano ang maitutulong sa kanilang paglago sa paboritong sports.

I nostri due campioni Agostino Alfieri (HCU Rassemblement Torino) e Kyle Lanting (SS Lazio Hockey), sono cresciuti hockeisticamente in Italia ma non si sono mai incontrati sul campo. Adesso si ritrovano compagni di nazionale ai SEA Games che si giocano dal 4 al 10 dicembre a Laguna nelle Filippine. A voi il nostro più grande “in bocca al lupo” per questa esperienza che, siamo certi, vi aiuterà a crescere dal punto hockeystico e non solo”ayon sa release ng hockeylove.it

Lubos ang pasasalamat nina Kyle at Agostino at mga magulang nila kina Mr. Jing Arroyo at Mr. Che Busque sa lahat ng suportang ibinibigay sa dalawa, moral man at pinansyal at lalong higit ang pagtayong mga magulang ng dalawa habang nasa Pilipinas. (PGA)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

72 medals at 5 trophies, hinakot ng Philippine Team sa World Karate Championship sa Toskana

Filipino Street foods at dessert, pinatikim sa prestiyosong food market sa makasaysayang Grand Palais sa Paris