in

Dalawang Pinoy, pangunahing suspect sa nakawan sa Olgiata

Mag-asawang Pinoy domestics, pinagsusupetsahang nagnakaw ng 150,000 at ng mamalahaling alahas sa bahay ng isang jeweller.

Rome – Abril 17, 2013 – Mag-asawang naka live-in ang pangunahing suspect sa kasalukuyang iniimbestigahang maxi furto o malaking nakawang naganap sa villa ng isang jeweller sa Olgiata, Roma.

Ayon sa inilathala ng pahayagang Messaggero kamakailan, tinatayang higit sa 150,000 euro cash at ilang mamahaling alahas ang nawawala sa bahay ni Salvatore M., ang employer ng mag-asawang Pilipino kung saan naglilingkod at naninirahan nang ilang taon.

Ayon sa report ng nabanggit na pahayagan, ang mga mamahaling alahas ay hindi diumano nakalagay sa isang safety box o vault bagkus ay nakatago lamang sa lumang writing desk. Kasama ng mga alahas tulad ng kwintas na gawa ng brilyante at emerald na naipundar ng biktima sa 50 taong pagta-trabaho nito ay may nakatago ding 150,000 euros cash.

Malaking yaman ng pamilya na ang mga anak ni Salvatore ay napag-desisyunang itago, ngunit huli na ang lahat dahil halos wala ng natagpuan ang mga anak nang matuklasang pinagnakawan ang kanilang ama. Natira na lamang ay mga gomang ginamit sa pagba-bundle ng pera.

Wala na ang pera, mga singsing at kwintas at higit sa lahat, ayon pa sa report, ay wala na rin diumano ang mag-asawa na dalawang taong nagparoo’t nagparito sa loob ng villa at napag-alamang may plane ticket ang dalawa at naka schedule ang lipad noong April 4.

Ayon sa ginawang imbestigasyon, ay naibenta na diumano ng mag-asawa ang sasakyan ng mga ito at ilang beses na rin nagpadala ng pera sa Pilipinas ang dalawa.

Samantala, ilang alahas na nawawala ang natagpuan sa ginawang raid sa apartment ng mga Pilipino.

Sa kabila ng mga napag-alaman sa ginagawang imbestigasyon, ang mag-asawa ay nananatiling di-inaaresto ng awtoridad, pagtatapos ng nasabing report.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship at Imigrasyon, sinimulang harapin sa Kamara

Commemorative stamp at bilateral agreement, inilunsad ng Poste Italiane at Phil Post