Milan, Abril 29, 2014 – Matagumpay ang concert nina Daniel Padilla at Yeng Constatino noong April 20,2014 sa Teatro del Verme na ginanap dito Milan, sa pamamagitan ng Producer na si Evelyn Amorin, co-Producers na mag asawang Arnold at Vrenda Gatchalian, Eugene Castillo at Promoter Chato Risi.
Jammed pack ang teatro, makita lamang ang kanilang idol at kadugtong nito ang audience participation na sinabayan nila ang kanta nang dalawang star singers.
Inawit ni Yeng ang ilan sa kanyang mga original compositions at cover songs ng Easerheads,Beatles at iba pa.
Surprise guest singer naman ang ina ni Daniel na si Karla Estrada, nang ito’y tumapak sa entablado ay laking gulat niya sa dami ng mga kababayan natin sa loob ng teatro.
Pagkatapos kumanta ang ina ng prince ay siya rin mismo ang tumawag sa pinakaabangan ng mga fans ang kanilang idol na si Daniel Padilla.
Hindi na tumigil ang hiyawan at halos lahat na ay nakatayo at halos hindi na marinig boses ng kanilang idol sa kanyang pagbati nito sa mga fans.
Ipinangbungad niya ang kantang “Hinahanap hanap kita” sa kanyang version mula sa album ng grupong “RIVERMAYA”.
Hindi na napigilan ng mga security ang mga manonood na makadaupang palad ang star habang ito’y papalapit sa kanila.
Sa araw bago ang concert ng prince at rock star ay nagkaroon ng “meet and greet” kung saan ang mga fans ay nagpakuha ng mga litrato at nagpa-autograph.Hindi rin maiwasan ang pagtili ng mga fans ng makita nila ang dalawa.
Ilang oras pa lamang ay nakaabang na ang mga ito sa entrance ng hotel kung saan naka check-in ang dalawa kung saan pagdadausan ng pakikipagkita ng mga ito sa kanilang idol na tumagal ng mahigit 4 oras. Mainit ang pagtanggap ng mga kababayan natin dito sa dalawa ayon kay Daniel. “…at nakakagaan din po ng loob at nakakabawas ng kaba” dagdag pa niya. Sinabi naman ni Yeng na natutuwa siya dahil gusto ng mga fans at kababayan natin na makita silang mag-perform sa concert. Ayon pa sa rockstar, sa kasalukuyan mga love songs ang kanyang sinusulat. “it’s more on real life love songs” aniya. Hindi katulad ng mga unang compositions niya na pawang mga kathang isip lamang. “sobrang nakakatuwa dahil totoong nangyayari sa akin” sinabi pa ni Yeng. At hinalimbawa pa niya sa isang single na sinulat niya ay para sa kanyang fiancé na si Victor Asuncion isang worship director sa Greenhill, sa San Juan City. “masarap talagang ma-inlove” wika pa niya. Sa panig naman ni Daniel Padilla, inihayag niya na pagkatapos ng kanilang film kasama ang mga Padilla Brothers sa pelikulang “Kuratong Baleleng” ay may balak nanaman silang gumawa ng isa pang film tampok pa rin ang mga Padilla’s. Inaabangan na rin ang premier showing ng “Shes’s dating the gangster” tampok si Kathryn Bernardo bilang leading lady niya na lalabas itong taon. Kasiyahan lamang kasama ang mga supporters at fans ang pag-awit ni Daniel ng tanungin siya tungkol sa kanyang singing career. “ginagawa ko lang ito kung gusto nila akong pakantahin” patawang sinabi niya.
Bago pa man nagsimula ang concert ay nagkaroon ng front act na kung saan may walong kabataan na magtatagisan ng kanilang talento sa pag awit at pagsayaw subalit ito ay naudlot sapagkat nagkaroon diumano ng isang technical problem ayon sa choreographer ng mga talents. Hinanakit at luha ng makapanayam ng Ako ay Pilipino ang ilan sa mga magulang pagkatapos ng concert, ang isang ina ay nang galing pa sa Switzerland para lamang mapanood ang kanyang anak sa naturang patimpalak. “Napunta sa wala ang pinaghirapan namin” ayon sa kanila.
Isang mensahe naman ang ipinarating ng producer sa mga magulang pagkalipas ng ilang araw ng concert. Humingi ito ng paumanhin sa pangyayaring hindi natuloy ang talent contest ng walong kabataan.
Subalit nangako naman ang mga organizers na itutuloy ang kanilang talent contest sa isa pang malaking project na darating.
Sa kabila nito, napagkaisahan ng mga magulang na kung maaring paghatian na lamang ng mga talents ang premyo na nakalaan para sa mananalo at maging ang mga ginastos ng mga magulang para sa kanilang mga anak na dapat anila ma-reimburse at ilang pang mga kahilingan upang magwakas na ang gusot na ito wika pa ng mga ina sa kanilang pagtitipon kamakailan.
Sa kasaluluyan hindi pa malaman kung kailan magpupulong ang bawat kampo upang pagusapan ng mabuti ang bagay na ito. (Chet de Castro Valencia)