in

David Pomeranz, sa live concert sa Roma!

Roma, Abril 10, 2015 – On This Day, Born for You, King and Queen of Hearts, Got to Believe, The Old Songs, If you walked Away, Until I Fall In Love Again, Trying to Get this Feeling Again, Undying Admiration etc etc…

Sapat na ang mga titolo ng mga awiting ito upang ipahiwatig kung gaano kalapit sa puso ng mga Pilipino ang international singer, composer, lyricist, at writer ng musical theatre. Tama, walang iba kundi si David Pomeranz.

Hindi magkamayaw, malakas ang tiliian, walang katapusang picture taking at selfie, malakas na pagkanta at puno ng excitement. Ang iba naman ay tila naluluha pa at naaalala ang kanilang kabataan! Ito ang sari-saring emosyong hatid ng ginanap na live concert ni David Pomeranz sa Roma nitong katapusan ng Marso. Bahagi ng kanyang Europe tour, ay hinaranahan din ni David Pomeranz ang Roma, salamat sa mga promoters at organizers nito.

Sa panayam ng Ako ay Pilipino, inamin ni David Pomeranz na mahal nya ang mga Pilipino. “Hindi ko alam kung bakit mahal ko ang mga Pilipino. Mahal ko lang kayo talaga! Siguro dahil nakikita ko kayo sa akin! Ang aking mga ninuno ay Russian, close family ties, pala kaibigan, mga bagay na hindi madaling ibinibigay ng mga Amerikano. I found Filipinos to be the dearest and sweetest people i know.

Why do Filipinos love you? “Filipinos love me, i think, because i try to be their friend! We all share the love for beautiful music, beautiful melody. Filipinos for whatever reasons are good musicians”, dagdag pa ng international artist.

Bukod dito, inaasahan ni David na patuloy na susuportahan ng mga Pinoy ang kanyang nalalapit na proyekto. “It is a secret project, it will come out soon. It is intended to express my love for Filipinos and why i feel Filipinos are so great!”, pagtatapos ni David.

Ilang beses nga ba tayong pinaiyak ni David Pomeranz sa kanyang mga awitin? Ilang beses ba tayong kinilig? O na-inspired?  At tila ito ay magpapatuloy pa dahil habang ang mga Pilipino ay humahawak ng mikropono ng Karaoke, o nanonood ng mga teleserye, o simpleng nakikinig lamang ng radyo, ang mga awitin ni David Pomeranz ay patuloy na makakapiling ng sambayanang Pilipino, saan mang sulok ng mundo!

Pia Gonzalez-Abucay

larawan ni: Boyet Abucay

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Medalya ng Maratona di Roma 2015, obra maestra ng isang Pinoy

Masarap na taho, mabenta sa mga Pinoy sa Milan