in

Department of Foreign Affairs, “Hindi paglabag sa batas ang pagtatanggal sa middle name”.

altSa isang panayam noong nakaraang Linggo sa radyo ng ‘Bato bato sa langit’ kay H.E. Romeo Manalo ukol sa middle name issue ay ipinahayag na ng Ambassador ang posisyon diumano ng Department of Foreign Affairs ukol sa pagtatanggal ng middle name sa lahat ng Italian documents ng mga Pilipino sa Italya.

Natatandaang ang ‘middle name issue’ ay pinainit ng husto ang pagpasok ng summer season sa Italya. Lumabas ang Circular 29 mula sa Ministry of Interior ukol diumano sa tamang pagrerehistro ng mga mamamayang Pilipino na hindi na babanggitin ang middle name sa lahat ng Italian documents . Ang aplikasyon nito, na tila naging lingid sa kaalaman ng nakakarami, na walang kaakibat na ‘implementing rules and guidelines’ ay naging sanhi ng iba’t ibang interprestasyon ng bawat Munisipyo, Rehiyon at maging Probinsya ng bansa na nagbigay daan sa pagpapalabas ng Circular n. 4 o ng tamang pamamaraan ng hindi pagbabanggit ng middle name sa mga dokumento.

Sa kabilang ibayo naman, ay katahimikan lamang ang naging sagot ng DFA, ayon sa Embahada, ukol sa mainit na issue. Hindi iisang liham lamang ang nakarating sa Pilipinas, liham ng mga Konsehal na Pinoy para sa ating Presidente, liham mula sa Task force Circular 29 at may ibang liham na galing sa mga concerned citizens.

Kahapon nga, araw ng linggo, isang pagsabog sa katahimikan ng DFA ang paghahayag ng kanilang posisyon ang ipina-abot sa Embahada noong nakaraang Huwebes. Isang paglilinaw na ang paggamit ng middle name sa ibayong dagat ay nararapat ding iangkop sa paggamit ng pangalan ng bansang kasalukuyang kumukopkop  sa mga ito tulad ng nasasaad sa Circular 636 na ipinalabas ng DFA noong taong 2007.

Naging malinaw ang naging katanungan ng anchor man na si Egay: “Bakit, sa pamamagitan pa rin ng isang Circular, ang nakaraang Ambassador  Lhuillier ay ipinakabit bilang ikalawang pangalan ang middle name?” “Dahil ang batas ukol sa paggamit ng middle name ay ipinalabas ng DFA ng taong 2007 lamang”, sagot naman ng Ambassador.

Ito ay isang patunay lamang na ang paggamit ng middle name sa iba’t ibang parte ng mundo ay maaaring nagiging problema ng mga Pilipino, kung kaya’t isang paglilinaw ang ipinalabas ng DFA noong 2007.

Ayon pa sa naging panayam: “Ang hindi paggamit ng middle name ay hindi isang paglabag sa batas at sa katunayan ang mga mamamayan ay tunay na kinikilala sa pamamagitan ng kanilang Baptismal name o first name at Surname o ang Family name”, dagdag pa ng Ambassador habang binabasa ang posisyon ng DFA.

Naging pagkakataon rin sa isang katanungan ukol sa kumakalat na balitang early retirement ng Ambassador na matapang namang sinagot at kinumpirma ng Ambassador.

Bilang pangwakas na mensahe nito ay hinihingi pa rin ang pang-unawa mula sa ating mga kababayang Pilipino na ang prosesong ito ay maaaring mahirap sa unang taon ngunit magiging pangmatagalang solusyon ukol sa paggamit, pagsulat, pagrehistro ng pangalan ng mga mamamayang Pilipino.

Download DFA memo

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

RCBC, may bagong opisina!

Ano ang ibig sabihin ng ‘family entreprise’ o impresa familiare?