in

Depresyon, sanhi sa pagsusunog ng mga sasakyan ng Pinoy

Inaresto ang 20 anyos na Pinoy bilang primary suspect at responsable sa pagsunog umano ng halos 18 mga sasakyan sa iba’t ibang lugar sa Milano. 

 

Depresyon umano ang dahilan sa pagsusunog ng mga sasakyan ng Pinoy matapos itong hiwalayan ng kasintahan, ayon sa mga ulat.

Naging malaking tulong sa mga imbestigador ang mga cctv footages mula sa mga surveillance cameras ng mga kalapit na gusali.

Ang Pinoy, chef sa isang restaurant, ay halos laging nakikita sa mga videos habang ang mga sasakyan ay nagliliyab na kadalasan ay nangyayari mula hatinggabi hanggang alas 4 ng madaling araw.

Napag-alaman din, sa tulong pa rin ng mga cctv, na ang binata ay ang may kagagawan ng pagkasunog ng doorbell o “citofono” ng bahay ng dating katipan nito sa via Carlo Bellerio.

Nakita rin sa cellphone ng suspek ang mga larawan ng mga sasakyan na kanyang sinunog.

Ang binatilyo ay sinampahan ng kasong bolontaryong panununog o “arson”.

Quintin Kentz Cavite Jr.

photo courtesy: Questura di Milano

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy, suspek sa pagsunog ng 18 kotse sa Milan

Strike for a Cause ng Samahan ng San Juan Batangas sa Roma