Hindi sinasadyang pagkakamali! “Mahal namin ang mga Pilipino at sa pagnanais naming mai-connect sila sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, isang pagkakamali ang aming nagawa”, paumanhin ng Facebook.
Isang hindi sinasadya at kahiya-hiyang pagkakamali mula sa Facebook ang naganap sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ang social network ni Mark Zuckerberg, sa kagustuhang batiin ang mga Pilipino sa mahalagang pagdiriwang, ay nag-post ng banner ng pagbati na naglalaman ng isang malalang pagkakamali.
Ang celebratory graphic ng Facebook ay baligtad ang naging kumbinasyon ng kulay na tila nagpapahiwatig ng digmaan, pula ang nasa itaas at asul ang napunta sa ibaba sa halip na asul ang nasa itaas at pula ang nasa ibaba.
Ayon sa batas, ang kulay ng bandila ay matatagpuan sa ganitong posisyon lamang o pula sa itaas at asul sa ibaba sa panahon ng digmaan.
Mabilis na kumilos at inireport ng mga users ang pagkakamali sa FB na hindi naman nag-atubili sa paghingi ng paumanhin. “Ito ay isang hindi sinasadyang pagkakamali. Mahal namin ang mga Pilipino at sa pagnanais naming mai-connect ang mga Pilipino sa kanilang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, isang pagkakamali ang aming nagawa”.