Pagtulong, minsan mga salitang nakakalimutan na kapag nakakaangat na, hindi lang sa estado ng buhay o sa pinansyal na basehan. May mangilan ngilan din na nakakaisip nito na syang nagdadala sa ibang tao para maisama sa magandang hangarin.
Ilang beses ng napatunayan sa magkakaibang paraan para sa layunin na makatulong at makapagpasaya at higit sa lahat may madugtungang buhay.
Isa na dito ang naging Disco for A Cause ng grupo ng Tropang Bowlers Association in Italy o mas kilala sa tawag na TBAI. Ang TBAI and FRIENDS ay nagtulong- tulong para makalikom ng nakayanan para sa napiling bigyan ng biyaya. Siya ay si Baby Arriane Recla a 5 year old child ng Paranque City. Siya po ay kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa karamdaman sa baga na nagkaron na ng kumplikasyon at Tuberculosis.
Ilang grupo ang nagsama-sama para sa project na ito at napagtagumpayan ayon na rin sa pagkakaisa tungo sa magandang hangarin.
Sila ay ang mga sumusunod Barrio Santol/Community in Rome – BSCR sa pangunguna ni Evangeline Rodriguez, Global Peacekeepers and Community Responders Anti-Crime Intelligence Group – GPCR – ACIG ni Madam Daisy Villanueva Solomon, Guardians Emigrant 1st Legion mula sa iba’t-ibang sangay nila sa pangunguna nila Sir Nazareth Larido at Sir Kentz Cavite, mga kababayang taga-Tuy Batangas mula sa lahat ng barangay, sa pangunguna nila Mando Gamez, Pres. Allan Macalindong, Pres. Manny Dela Rosa, Ms. Maricel Esteron and Ms. Nelly Betis, Mona Bulaclac, Rome Runners and Bikers ni Pres. Eric de Jesus, Knights Guardians Brotherhood Incorporated ni NF Art Belarmino, TAOC-IG ITALY ni Pres. Zandro “Trized” Lozano, grupo ni Madam Vickie Paguio Custodio, ang Adventure Cargos ni Madam Marjorie Empleo, GSSI ni Vhic Ramos, at ang Team Primo ng JC Premiere ni Coach Nalyn Olivera at Coach Owen Jamon, Mr. & Mrs. Anita De Lunas, Ms. Belinda Pascua at ang Filipino Bowlers Association in Italy – FBAI ni Pres. Randy Fermo kasama ang ilang myembro na bumubuo ng asosasyon kabilang ang GUARDIANS EMIGRANT, FBI, KNIGHTS, CIAO, RBA, AT ang TBAI kasama si Sir Teddy Perez at ang kanyang mga kaibigan na syang nag organisa ng nasabing events.Naging guest speaker ang writer and editor ng Ako Ay Pilipino na si Ms. PIA Gonzalez Abucay.
Natapos ito ng matagumpay at sa mga oras na ito ay nakapagpadala na ng halagang napagtulungan. Kasalukuyan pa ring ginagamot si Baby Arriane. Hangad pa rin ng grupo ang patuloy na paggaling ni Baby Arriane.
Iba ang kapit-bisig na pagtutulungan kapag may magandang kapupuntahan.
Norie Ignaco
larawan ni:
Howard Capala Photography