in

Distance adoption sa 2 naulilang bata sa Pilipinas, tulong ng Cinque Terre

Nagpahayag na handang gawin ang distance adoption ng mga mamamayan ng Corniglia, isang lugar sa Cinque Terre (Liguria), sa dalawang batang Pilipino na naulila sa ina dahil sa Covid sa Manila. 

Kami ay magpapadala ng €100,00 kada buwan upang makadagdag sa mga pangunahing pangangailangan ng mga bata sa loob ng dalawang taon. Isang maliit na halaga ngunit magpapahintulot na mamuhay nang maayos ang mga bata”,

Comunità Parrocchiale di San Pietro Apostolo.

Ang dalawang bata ay apo ni Jenny Hernandez, isang Pilipina na kasama ang kanyang asawa at dalawang anak ay ilang taon na ring residente sa Corniglia. Oktubre noong nakaraang taon nang binawian ng buhay ang kanyang 26 anyos na manugang. Nag-iwan ng dalawang menor de edad na anak at ang bunso ay bagong silang na sanggol. Nabaon din sa utang ang pamilya dahil umabot sa 1 milyon (halos € 17,500) ang naging gastusin sa ospital. 

Pinangunahan ng Comunità Parrocchiale di San Pietro Apostolo ang pagtulong at nangalap ng tulong pinansyal. Makalipas lamang ang ilang araw ay nagpadala ng tulong na nagkakahalaga ng € 2,800.00 sa Pilipinas. 

Ngunit hindi nagtapos dito ang pagtulong ng mga taga Corniglia. Bukod sa tulong pinansyal ay nagpahayag din na handang gawin ang distance adoption sa mga naulilang menor de edad.

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 2.8]

Kulay ng Mga Rehiyon Ako Ay Pilipino

Higit na kontrol sa pagsusuot ng mask sa outdoor at Super Green pass

Green Pass at Super Green Pass, ang pagkakaiba